Chapter 35: Mr. Campus

2K 11 0
                                    

Chapter 35: Mr. Campus


Lumipas ang isang linggo, nagkikita at hinahatid pa rin ako ni Johan pero napapadalas ang hindi namin pagkikita. Medyo nag-aalala na ako nun kasi hindi siya nagsasabi sa akin. wala naman kaming problema o ang mga family namin.


Isang hapon habang naghihintay ako ng masasakyan sa waiting shed, isang tawid lang galing sa school namin. May tumigil na kotse sa harapan ko, dahan-dahang bumaba ang window pane nito. Napatingin ako doon kasi baka si Johan 'yon.


"Sissy!" sabi ni Rica..


"Oh, sissy! Ikaw pala." sagot ko..


"Kuya, wait lang ha." sabi ni Rica sa driver nito, sabay baba ng kotse..


Lumapit si Rica sakin at tila may hinahanap siya.


"Sissy! Sino ba hinahanap mo dyan?" pagtatanong ko..


"Hmm.. Parang.. teka, nasaan si Johan?"


"Ah. 'Yun ba.." sabay tungo ko..


"Anong nangyari? Nag-away ba kayo?"


"Hindi naman.. Kaso.." pahinang sagot ko..


"Kaso ano? Teka sissy, sumabay ka na samin."


"Ha?"


"Sabi ko, ihahatid na kita."


"O - osige."


Sumakay kami sa kotse nina Rica. Sa likod kami umupo. At habang nagbibyahe kami, halata pa rin ang lungkot at pag-aalala ko kay Johan.


"Sissy. Kwento mo na ulit."


"Eh kasi.. Si Johan, bihira na lang magparamdam at mag-text sa akin."


"Baka naman busy lang siya?"


"Hindi sissy eh. Sasabihin nun kung busy siya o hindi. Yung ngayon kasi, wala talaga. Walang text. Walang tawag. As in, wala."


"Sissy. Baka may.. iba na yan." seryosong sabi ni Rica..


Napatigil ako sa narinig ko. Paano kung totoo yung sinasabi ni Sissy? Paano kung nakahanap na siya ng ibang magpapasaya sa kanya? Hala. Hindi ko kayang mawala siya sa akin.


"Sissy.."


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now