Chapter 31: Lihim ni Lotty

2.1K 8 0
                                    

Chapter 31: Lihim ni Lotty


Nagulat kami ni Rica sa narinig namin, napapunas ako ng luha noong nakita ko si Johan.


"Si..sissy, iwanan ko muna kayo ni Johan." pagpapaalam ni Rica..


Tumango lang ako, umalis ito habang si Johan nakatayo pa rin doon. Hanggang sa lumapit ito sa akin.


"Bakit ka umiiyak?" tanong nito sabay yakap sa akin..


"W-wala.."


"Hindi pwedeng wala, you tell me na."


"Na..na-carried away lang ako."


"Sure?"


"Oo.."


"Gusto mo na bang umuwi?"


"Oo baby, tara na.."


"Okay then, magpapaalam lang ako sa kanila. Wait mo na lang ako sa may sala."


"O..osige."


Pagkaalis ni Johan ay pumunta na ako sa may sala upang hintayin ito. Habang hinihintay siya, napapaisip ako kung sinasadya lang ba ni Marion yung pagpili ng ganung movie o nagkataon lang lahat. Kasi eh, tagusan. Hindi ko alam kung magiging masaya ako dahil maganda yung movie o dahil sa naka-relate ako.


Hanggang sa may pumasok sa main door nila, napatingin ako dito. Isang medyo katandaan na lalake na may dalawang body guard na kasama. Napatingin ito sa akin.


"Sino ka??" pasigaw na sabi nito..


"Ah.. Eh" sabay tayo ko, nagulat ako sa sinabi nito..


"Papa!" pasigaw na bati ni Marion galing sa taas..


Napalingon kami noon ng lalake, sumilip sila galing sa second floor.


"Sino sila??"


"Mga classmates ko po."


"Kita mong bumabagyo na, nagdala ka pa rito ng classmates mo." masungit nitong sagot..


Sabay lakad papalayo sa akin. Pamilyar ang itsura nito, mukhang siya yung dating Governor ng Tarlac, ang tatay ni Marion.


"Guys, pasensyahan niyo na si papa ha." sabi ni Marion..


One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon