Chapter 34: He's Proud

2.1K 8 0
                                    

Chapter 34: He's Proud


"Baby." sabay hawak nito sa braso ko..


Tinaggal ko agad ito at tumingin sa ibang direksyon. Hindi ko alam pero nung pagkakataong 'yun, 'di ko maiwasang magselos at matakot sa posibleng mga mangyari.


"Gusto ko ng umuwi." sabi ko sabay lakad papalayo..


Ang tangi lang nasa isipan ko ay sana hindi na lang nangyari yung nakita namin doon ang best friend niya kasi, alam ko sa sarili ko, pagseselosan ko siya. Hindi hamak na mas maganda at mas seksi siya sa akin at hindi malayong magkahulugan sila ng loob. Natatakot akong mawala sa akin si Johan. Natatakot akong magmahal siya ng iba.


Lumabas ako ng simbahan nila ng hindi masaya, pero hindi rin naman ako malungkot, hindi ko alam ang tawag dito. Sumakay na ako sa kotse ni Johan. Pagkasara nito sa pinto, hindi pa nito pinaaandar ang kotse.


"Baby." mahinang sabi nito..


Hindi ako umimik na parang wala akong naririnig. Binitawan ni Johan ang kamay ko at kinuha ang cellphone nito, para bang may tinatawagan siya.


"Ano ginagawa mo?" tanong ko..


"Tinatawagan si tita. I'll say I can't come."


"Bakit?"


"Because you didn't want to, I'll not go."


"Hindi pwede. In-eexpect kang pumunta don."


"And? If you say na 'wag pumunta, gagawin ko."


"No. Pumunta ka."


"And you? You'll not come with me?"


"Hindi." madiin kong sagot..


"But why, baby?"


"Kasi.. ayoko."


"Okay. Hindi na talaga ako pupunta."


"Umuwi na tayo." sabi ko..


Habang nagbibyahe kami ay tahimik lang ako. Sobrang tahimik din ni Johan, hindi ko alam kung galit siya o ano basta hindi kami okay ngayon. Pagkadating sa tapat ng bahay namin.


"Mauuna na ako." sabi ko sabay hawak sa bukasan ng pinto..


"Wait."


"Bakit?"

One Hundred Days (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ