Chapter 52: Pahiwatig

1.1K 8 2
                                    

Chapter 52: Pahiwatig


"B – bakit ang dilim?"


"N – nasaan ba ko?"


"Ta.. may tao ba dito??"


"T – teka, ano 'to.."


Biglang may dumaan sa aking harapan.


Dalawang bata.


Nagtatakbuhan.


Nawala ang madilim na palagid dahil unti-unting nagkakulay ang paligid.


Napaatras ako ng kaunti sa nakita ko.


"T – teka parang pamilyar sa akin ang lugar na 'to.."


"H – hindi ako pwedeng magkamali.."


Ang nakikita ko ngayon..


Ang playground kung saan ko nakakalaro si Marion noon.


Ngunit bakit ko nakikita 'tong mga 'to? Anong gustong ipahiwatig nito sa akin?


"Ahihi! Tara sa slide tayo!!" pag-aaya ng batang babae..


Tumakbo ang mga batang babae sa slide ngunit, hindi sumunod ang isang bata.


"Hm? Ayaw mo ba rito?" tanong ng batang babae..


Umiling lamang ang kalaro nitong batang lalake.


Kaharap na ng batang babae ang slide nang biglang.


"Halika, laro tayo."


Boses na nanggaling sa itaas na bahagi ng slide.


Napatingin ang batang babae.


"Sino ka?"


"Hindi na mahalaga kung sino at anong pangalan ako, tara laro tayo." pangiti nitong sabi sabay abot ng kamay nito..


Laking pagtataka ng batang babae kung sino ang batang lalake sa taas ng slide.


"Uy. Dito tayo!" sigaw ng batang lalake na nasa may see-saw..


Tumingin doon ang batang babae. Naguguluhan ito kung sino sa dalawang bata ang kanyang sasamahan. Biglang humakbang ito, isa pa, sumampa sa babang bahagi ng slide. Tila ba inaabot ang kamay ng batang lalake na nasa itaas na bahagi.

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now