Chapter 54: Dasal

1.1K 10 0
                                    

Chapter 54: Dasal


Nakakita ako ng mga taong may suot na maskara na ang disenyo ay mukha ko, na nakangiti. Hindi ko alam kung anong nangyayari at kung sino 'tong mga taong 'to na nasa kwarto ko ngayon.


"S – sino ba kayo??" pasigaw kong tanong..


"Surprise!!" sabi ng isa habang inaalis ang suot nitong maskara..


"Ke – Kelvin?? B – bakit??"


Ngumiti lang ito at sabay-sabay nilang inalis ang mga suot nila.


Nakita ko sina Sissy Rica at Lotty, Sina Kelvin, Yosh at Leo pero may isa pang hindi nag-aalis ng suot nito, nakatayo malapit sa pinto..


"A – ano bang meron? Bakit kayo may suot ng ganyan??"


"At si – sino siya? Bakit malungkot na Monday yung suot niya??"


Lahat sila, nakangiting Monday ang suot maliban sa isa. Hindi ko alam kung sino siya dahil balot ang mukha nito ng maskara. Hindi ko masyadong maaninag ang katawan nito dahil sa kakagising ko lang.


"Gusto mo malaman kung sino siya?" tanong ni Kelvin..


Tumango lang ako at.


"Lapitan mo siya."


Dahan-dahan akong tumayo, inalalayan ako nina Sissy papunta sa kanya dahil sa medyo nanghihina pa ang mga binti ko.


Nang nasa harapan na niya ako ay inalis ko ang suot nitong maskara. Unti-unti ko nang naaninag ang mukha nito at.


"M – marion??" bulong ko sa isipan ko..


Hanggang sa tuluyan na nitong naalis ang maskara nito at.


"Surprise.. baby!" sabay yakap nito sa akin..


Naging maingay ang paligid dahil sa pagsalubong nila sa akin. At ako? Natulala sa nangyari. Bakit pangalan ni Marion ang una kong nabanggit? Bakit siya at hindi si Johan? H..hindi ko na alam ang nangyayari.


"Hindi ka ba masaya, baby?" tanong nito sa akin..


"M – masaya ako.." sagot ko habang nakatingin ka sa baba..


"Eh bakit parang malungkot ka?" tanong ni Yosh..


"H – hindi, okay lang ako." pagpilit kong ngiti sa kanila..


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now