Chapter 37: Resulta

2K 8 0
                                    

Chapter 37: Resulta


Nagsisigaw kami doon ni sissy na para bang hindi na kami makakapagsalita bukas. Aba syempre 'noh, proud ako sa boyfriend kong mahal na mahal ko. Habang nagkakagulo kami at ang ibang manunuod ay lumakad na papunta sa harap ang tatlong nakapasok sa Q&A portion. Suot nila ang kanilang mga amerikana. Habang naglalakad papunta sa likod ang mga hindi pinalad na candidates ay kinuha na ng isang host ang mga questions para sa tatlo.


"And now, for the most awaited part of Mr. Campus, the Question and Answer Portion!!" pagbati ng host..


"Ayan partner, hawak ko na ang fish bowl na naglalaman ng mga katanungan para sa kanila."


"All right! Candidates, are you ready?"


Biglang nag-dim ang lights ng Grand Theater at maging sa stage. Kinabahan ako sa puntong 'yon dahil hindi ko alam kung bakit. Parang ako pa ang mas kinakabahan kesa kay Johan.


"Candidate Number 2, please step forward."


Pagkahakbang nito ay tinabihan siya ng host na may dalang fish bowl. Pinabunot siya nito at binigay sa host ang nabunot nito.


"Candidate Number 2, Here's your question.."


"..What characteristics you have that every guy should be envy of?"


Noong narinig ko ang tanong para kay Candidate Number 2, napaisip ako. Hindi pala biro ang mga tanong dun. Sana kayanin ni Johan ang tanong na mabubunot niya.


Pagkatanong kay Mr. Cabrera ay iniabot na ng host ang microphone upang makasagot ito.


"A pleasant evening to each one of you! The characteristic I have that every guy should be envy of is, being God fearing. Let's accept the fact that there's a plenty of talented and good looking guys out there that doesn't keep their faith closer to God. That gives them hindrances on their growth. With God, we can soar higher than the clouds, with fear on Him; we can achieve our fullest potential. Thank you!"


Nagpalakpakan ang mga nanunuod at maging kami ni sissy. Grabe, ang ganda ng sagot nito. Pang international ang level niya, grabe. Nakaka-speechless.


"What an outstanding answer, Candidate number 2!" sabi ng host..


"You can now go back to your place." sabi ng isang host..


"Up next! Candidate number.. 7!"


Naghiyawan ang mga tao Ayan na, si Marion na ang sasagot. Kinakabahan pa rin ako. Humakbang na ito papalapit, pinabunot siya sa fishbowl at binigay sa host ang nabunot nito.


"Candidate number 7.. Here's your question.."


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now