Chapter 15: Dalawang Puno, Isang Panaginip

2.5K 16 4
                                    

Chapter 15: Dalawang Puno, Isang Panaginip


Agad kaming bumaba ni Johan, natakot ako nun kasi may edad na rin si nanay, pagkarating namin sa kusina.


"Nay?? Ano nangyari??"


"Kasi.." hawak nito ang kamay niya..


"Bakit 'nay?? Ano nangyari po sa inyo???"


Lumapit ako sa kanya, alalang-alala.


"Nakalimutan kong gumamit ng pot holder.."


"Tapos??"


"Hinawakan ko yung kalan.."


"Ay nako 'nay!! Pinakaba niyo ako!!" painis kong sabi..


"Ako na magluluto 'nay, maupo na lang kayo roon."


"Ako na anak, kaya ko pa."


"Hindi na 'nay, ako na po."


Habang niluluto ko yung ulam, pumunta si Johan sa harap ng refrigerator, kumuha ng yelo at nilagay sa binalot na tuwalya at nilagay sa kamay ni nanay. Nakatingin ako sa kanilang dalawa nun. Nakakatawa talaga ang boyfriend ko, likas ang pagiging maasikaso. Kaya mahal ko siya eh.


Pagkaluto ko ay nilagay ko ito sa lalagyan at agad na naghanda ng aming maagang tanghalian.


"Nay. Kakain na po!!"


Umupo na sila sa tabi ko, pagkatapos naming kumain ay nag-alok si Johan na ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin. Nanuod muna kami ni nanay ng TV, nagpapababa ng kinain habang tinitingnan ang pagkapaso nito. Makalipas ang ilang minuto pa, bigla akong inantok.


"Nay. Matutulog po muna ako."


"O'sige, anak."


"Baby! Paggising ako mamayang 3:00pm ha."


"Okay!" sagot nito, sabay tingin sa akin..


Umakyat ako, humiga sa kama ko. Na-miss ko yung amoy ng kama kong 'yun, matagal tagal din kasi akong hindi nakatulog dun. Dahan-dahan akong napapikit, hanggang sa.


"A - anong ingay 'yun??"


Dumilat ako ng dahil sa narinig ko.


"N - nasaan ako???"

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now