Chapter 49: 300th Day

1.3K 10 0
                                    

Chapter 49: 300th Day


Pagkatapos naming kumain, nagpahinga muna kami saglit. Nakaupo pa rin kami at kaharap ang mga platong nasimot ang mga laman. Napag-isip isip kong magtanong patungkol sa buhay ni Kian dahil naintriga ako sa nangyari sa kanya.


"Uhm.. Bakit ka nagkaroon ng amnesia?" mahina kong tanong..


"Hm?" sabay tingin nito sa akin..


"B – bakit ka nagkaroon ng amnesia kako.."


"Ah 'yun ba? Kasi, sabi ni Dad, after ng Graduation ko nung high school, pauwi na kami nang bigla akong naaksidente. Nabagok ang ulo ko and kailangang operahan."


"Eh.. bakit napunta kayo sa Japan?"


"Dun ako dinala para operahan dahil advance ang technology doon kaso nga lang, nawala lahat ng alaala ko."


"Mukha pa namang memorable ang childhood ko kaso wala eh, there's no other way to bring it back. Even though, I badly want it to. I can't, I couldn't do it because it's the reason why I'm experiencing like this."


Nagulat ako sa narinig ko.


"Rason nang.. alin?"


"Reason why I can't remember everything. Ang kwento sa akin ni Dad, sobrang depressed ko raw nun dahil sa isang girl na iniwan ako kaya naaksidente ako. I can't totally remember it pero napapaginipan ko siya but it doesn't seem clear eh." sagot ni Kian..


Hindi na ako nakapagtanong pa dahil.. ako pala ang may kasalanan ng pagkabura ng alaala niya. Noong huling araw kasi ng high school namin, noon Graduation Day ay.


~


Habang naghihintay sa kani-kanilang room upang simulan na ang Graduation. Nasa labas si Monday at nakatungo habang hawak ang susuot na toga nito.


"Uh.. Hi!" paglapit nito sa kinauupuan ni Monday..


Tiningnan lamang siya ni Monday at bumalik sa pagkakatungo.


"May.. may sasabihin lang ako sa'yo."


"Ano 'yon?"


"Malapit na matapos ang high school natin, s – sana mapatawad mo ako sa ginawa namin ni Marion.." mahinang sabi nito..


"Kahit kailan hindi kita mapapatawad!!" sabay tingin nito kay Kian..


"Patawarin mo na ako.. Nagawa ko lamang 'yun dahil ma.. mahal kita. Gusto kong mapunta ka sa akin. Gusto ko tayo magkatuluyan."

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now