Chapter 77: Tiwala

530 7 0
                                    

Chapter 77: Tiwala


"Si – sissy??" mabilis na sagot ni Rica..


"O – o... Tulungan niyo kami sissy, dinukot kami ni Marion!!" sagot ko..


Tumayo ako at tumalikod para hindi nila mapansin na may kausap ako. Pinagpapawisan ako ng malamig at kinakabahan ng sobra habang hawak ang cellphone ko. Dahil bawat segundo ay mahalaga at nakasalalay sa akin ang kaligtagasan namin ni Marion.


"Di – dinukot?? N – nasaan kayo ngayon? Alam mo ba kung nasaan kayo?? Ano nakikita mo sa paligid mo??"


Lumingon ako sa paligid, pinagmasdan ko kung ano meron sa paligid ko na pwedeng maging clue kung nasaan kami.


"H – hindi.. Puno ng kahon ang paligid. N – nasa isang malaking bodega yata kami ng.."


Hindi pa ako tapos magsalita ng biglang may naramdaman akong presensya sa likurang bahagi ko. Dahan-dahan akong lumingon at nakita kong isa sa mga kasamahan ng bantay yung nandon. Napatigil ako. Nahulog ang cellphone na hawak ko.


"Si – sissy?? Nandyan ka pa ba???" rinig mula sa cellphone kong nasa sahig..


Sa pagkakataong 'to, alam kong tapos na kami ni Marion. Na malabo pang mailigtas kami ng mga mahal namin sa buhay. Na mababalewala ang sakripisyo ni Marion.


Humakbang papunta sa akin ang bantay. Napaatras ako. Napalunok dahil dalawang hakbang na lang at nakadikit na ako sa pader. Hindi ko alam ang gagawin ko.


Nang biglang itinulak niya ako ng malakas papunta sa pader. Dahilan para mawalan ako ng malay at hindi na malaman ang mga sumunod na nangyari. Tanging huling nakita ko bago ako mawalan ng ulirat ay si Marion na hinihila ng mga bumugbog sa kanya.


....


Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ngunit hindi ko maidilat ng maayos dahil sa matinding liwanag. Naramdaman ko rin ang sobrang pananakit ng likurang parte ng ulo ko.


"N – nasaan ako?" mahinang pagbulong ko..


Pinilit kong lumingon upang malaman kung nasaan na ako nang biglang.


"Nandito pa rin kayo."


Napansin kong may nakaupong tao, hindi kalayuan kung nasaan ako.


"S – sino ka? N – nasaan si Marion?" pautal kong sabi..


Ngumuso ito at tila ba sinasabing tumingin ako sa likuran ko dahil nandoon si Marion. Pinagmasdan ko siya ng maigi. Hindi ko matandaan kung sino yung bantay na malapit sa akin at kung ano ang mga nangyari bago ito. Bumalik na ang linaw ng paningin ko. Ang nakikita kong liwanag ay mula sa kaliwang bintana na puno ng bakal, umaga na pala.

One Hundred Days (Completed)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora