Chapter 18: Lovelock

2.5K 16 2
                                    

Chapter 18: Lovelock


"I don't like dogs!"


Nagulat ako sa reaction ni Johan, parang galit na natatakot na ewan. Hanggang sa tinawag ko na lang si Rally at nangisda na lang ulit sina Tiyo at Johan, habang kami ni Rally ay nag-iikot sa farm.


"Ilang months pa lang akong nawala, ang dami ng nagbago dito ah?"


"Arf arf!"


"Pati ikaw, ang laki laki mo na!" sabay himas sa katawan nito, tingin din nito sa akin..


"Mukhang takot sayo ang baby ko ah?"


"Hehehe." hingal ni Rally..


"Puntahan nga natin sila."


Naisip kong biruin si Johan dahil mukhang takot siya sa aso, bumalik nanaman ang pagiging bad girl ko. Pagkarating namin sa palaisdaan, hindi kami napansin nina Tiyo at Johan, pinatahol ko si Rally sa pamamagitan ng pagtawag kay Tiyo.


"Tiyo!"


"Arf! Arf! Arf!"


Nagulat si Johan, pagkaharap nito ay bigla siyang na-out of balance sa kinauupuan niyang tulay dahil nakita niyang nasa may bandang likuran niya lang si Rally. Nahulog ito sa palaisdaan.


"Ba - baby??"


Tiningnan ko ito, maging sina Tiyo at Rally. Nang tumayo ito ay basang basa siya. Syempre ako, concern kasi napagtripan ko siya, inabot ko ang kamay ko para makaakyat siya pero ang nangyari ay hinila niya ako pababa.


Nahulog ako sa may palaisdaan, nabasa, kasama siya.


"Baby!" sabi ko, sabay hawi sa buhok ko..


"You started it." tingin ni Johan, sabay tawag..


"Pero.. Si Rally kase!"


"Arf! Arf!"


"Nako Munde, sinisi pa si Rally." sabat ni Tiyo..


"Hahahah."


Natawa na lang kami sa nangyari, imbis na maging nakakatuwa yung ginawa ko ay napunta pa sa pagiging basa. Pagkaahon namin ni Johan. Nagdesisyon kaming bumalik na sa kubo nang basa.


Habang naglalakad.


"Paano 'yan, basa tayo? Wala akong dalang pamalit." sabi ko..

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now