Chapter 29: Biglang Bonding

2.1K 10 0
                                    

Chapter 29: Biglang Bonding


"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Marion na nasa likuran ko lang..


"W - wala. Hinihintay ko si Johan."


"Teka ikaw? 'Di kita napansin na nandito ka pala."


"Ah, may dinaanan lang ako rito." sabay ngiti nito..


Naglakad ito papunta sa labas ng exit, binuksan nito ang payong niya.


"Oh, ano pang hinihintay mo? Tara na!"


"Ha? Hihintayin ko si Johan dito."


"Ha? Hindi kita marinig.. Tara na!!"


Sabay hila nito sa kamay ko, napasuong kami sa ulan. Pero nakakailang hakbang pa lang kami ay 'di kami nakalayo sa Grand Theater sa lakas ng ulan, sumilong kami sa isang cottage.


"Asar ka naman eh! Nabasa tuloy ako!" pagalit kong sabi kay Marion..


"Sorry naman. Malay ko bang lalakas ng ganyan 'yan."


"Kainis! Paano na 'to? Basa na ko."


"Lika dito, pupunasan kita."


"Hindi na, kaya ko na 'to."


Ilang sandali pa ang lumipas, dumating na si Johan na naaksuot ng jacket at may dalang payong.


"Baby!" sigaw ko..


Pagkalapit nito sa amin.


"Are you okay?" tanong nito..


"Okay naman, nabasa lang." sabay irap ko kay Marion..


"Marion! Buti nandito ka."


"Nagkita lang kami ni Monday, unexpected."


"Oh teka, alam niyo na ba ang balita?"


"Anong balita?" tanong ko..


"Cut na raw ang lahat ng klase ngayon, due to the storm."


"T - talaga??" tanong ko na may kasalanang pagka-excite..


"Yes. After natin kumain, where you wanna go?" tanong ni Johan..

One Hundred Days (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon