Chapter 11: Hula ni Rica

2.6K 23 4
                                    

Chapter 11: Hula ni Rica


Kinagabihan, agad akong nag-text kay Johan na mag-focus muna kami sa studies dahil final exams na kasi sa Monday eh. Kailangang mag-aral ng maigi. Pumayag naman siya at sinabing gusto rin nitong makapag-focus muna. Ayun, medyo mahirap para sa amin pero kailangang tanggapin eh. Aral muna bago ang lahat.


Araw ng linggo. Maraming dapat gawin, ang raming tambak na projects at requirements. Nakakainis pero kailangang ayusin ang lahat. Nagsimula muna akong kumain ng almusal, maglinis ng kwarto at pinagaan ang lugar ng pag-aaralan ko, para hindi stressful. Bandang tanghali, tinawag ako ni Tita para kumain na.


Habang nakain kami ay may nag-doorbell.


"Monday. Tingnan mo nga kung sino 'yun."


"O - opo."


Pagkabukas ko ng pintuan ay may nakita akong kotse sa tapat ng gate namin. Pamilyar ang itsura nito sa akin.


"Ma'am! Lumabas na po si Ms. Monday!" sabi ng lalakeng nag-doorbell..


May lumabas na babae sa kotse, may bitbit na kung ano. Ay. Si Rica pala 'yun.


"Oh? Sissy?"


Agad akong bumaba habang papalabas ng kotse si Rica.


"Hi sissy!"


"A - anong mayroon? Bakit may dala kang pagkain??"


"Wala lang. Just wanna visit you."


"Nye. 'Di nga?"


"Nah. Ganito kasi 'yun."


"Pero before I make kwento, papasukin mo muna kaya ako? Ang init dito oh."


"Ay! Sorry."


Pagkapasok ng gate ay tinulungan ko siya sa mga bitbit niya. Nagpaalam siya sa driver nito.


"Oh. Like what I've said kanina."


"Hindi kasi ako makapag-review sa amin, alam mo naman. So lonely."


"So, ang gusto mong mangyari ay.."


"Yup! Papa-tutor ako sa'yo, sissy." kindat nito sa akin..


Napatango na lang ako sa sinabi ni Rica. Pagkapasok namin sa loob ay hindi nagulat si Tita na may bisita kami, kasi may dala itong pagkain.


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now