Chapter 32: Kundi..

2.1K 10 0
                                    

Chapter 32: Kundi..


Napatili kami ni Rica sa nangyari. Lumingon ako para tingnan kung sino ang nanggulat sa amin.


"Leo naman eh!" sigaw ko sabay hampas sa braso nito..


"A - ano bang ginagawa niyo rito??" tanong ni Leo..


"Shh. Wag ka ngang maingay." saway ni Rica, sabay yuko namin..


Yumuko rin ako, baka kasi makita kami nina Marion. Pero for sure, narinig na nila kami dahil sa tili namin ni Rica.


"Teka, ano ba kasing meron dito??" pagsisilip ni Leo sa tinitingnan namin..


"Eh, basta!"


"Bakit ba nandito ka, ha?" pagtataray ni Rica..


"Diba mahilig ako sa halaman? Ayun. Kaya madalas ako rito. Lagi akong nandito." sagot nito..


"Oo nga pala, kaya siguro mukha kang iguana."


"Ha??"


"Wala. Ang pogi pogi mo kako!" patuloy ni Rica..


Si Leogene Diaz ay isa sa trio-nerds. Ang pinakamatalino sa tatlo pagdating sa siyensya. Halos buong buhay nito ay tinuon sa pag-aaral sa iba't-ibang sangay ng science. Kasing tangkad lang din nito si Kelvin, medyo may kaitiman at naka-brace. Masaya naman siyang kasama dahil marunong naman itong magbitaw ng jokes kahit hindi nakakatawa. Unlike kay Kelvin, medyo ka-vibes namin siya ni Rica, medyo masaya kausap dahil parang may kausap kang nagsasalitang encyclopedia sa sobrang talino nito.


Nakatingin pa rin kami sa kanila habang si Leo nasa bandang likuran lang namin. Lumipas ang ilang minuto, napagdesisyunan na naming umalis dahil nagutom kami ni Rica sa pag-stalk sa kanila. Papalabas na kami ng garden ng harangin kami ni Leo.


"Kayong dalawa."


"Ikaw nanaman?" pagtataray ni Rica..


"Alam niyo bang masama ang ginagawa niyo?"


"Ha? Anong sinasabi mo?"


"Inapakan niyo yung damo kanina."


"Ay nako! Tara na sissy." biglang hawi ni Rica kay Leo..


Natawa ako, kasi akala ko naman kung ano 'yung sasabihin ni Leo, damo lang pala. Habang papalayo kami ng pahabol na sinabi si Leo.

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now