Chapter 56: Pakiusap

940 10 0
                                    

Chapter 56: Pakiusap


"Ah.. eh.." sabay tungo ko..


Habang papalapit ang babae sa akin, tinitingnan ko kung nasaan napunta yung susi. Hindi ko siya maaninag kahit saan.


"I said.. Sino ka??" pasigaw nitong sabi..


"A – ako po si.. Monday." patungo kong sagot..


"Monday?" sabay lapit nito sa akin..


"Hmm.. So it's you."


"H – ha?"


"Ikaw ang babaeng bukangbibig ng kapatid ko."


Nakatingin lamang ako sa kanya.


"At ikaw ang dahilan kung bakit siya nakahiga dyan!!!!" sigaw nito..


"H – hindi ko alam ang sinasabi niyo.. Mauuna na ako." sabay lakad ko..


"Hindi. Dito ka lang." sabay hawak nito sa braso ko..


"B – bakit?"


"Ang tagal ko ring hinintay ang pagkakataon na makita yung babaeng kinababaliwan ng kapatid ko."


"Hindi ko maintindihan kung bakit gustong gusto ka niya. Ano bang pinakain mo dito?"


Nakatungo lang ako. Pasimpleng hinahanap ang susi sa sahig.


"Ano bang meron ka? Ha??"


"H – hindi ko alam.." mahina kong sagot..


"Marahil nagtataka ka kung sino ako. Ako nga pala si Morisette, kapatid ni Marion, ang lalaking baliw na baliw sa'yo."


Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Naguguluhan ako sa mga nangyayari.


"Maupo ka muna. Pasensya na sa masamang bungad ko kanina."


At umupo ako sa may couch na ilang dipa lang ang layo sa pinto.


"M – matagal na po kayo dito?" mahina kong tanong..


"Sa pilipinas? Kahapon lang ako umuwi, nabalitaan ko kasi ang nangyari sa kapatid ko."


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now