Chapter 40.2 : Tingin (part 2) - Kanta

1.9K 7 0
                                    

Chapter 40.2 : Tingin (part 2) – Kanta


Nagtaka ako sa narinig ko. Ako? Teka bakit..


"Ha??" pagkukunwari ko na para bang hindi ko narinig..


"I said, si Monday." paulit ni Marion..


"What?" tanong ni Johan..


"Mukha kakong mas gutom si Monday. Siya asikasuhin mo." pangiting sagot ni Marion..


"Ah okay, just grab your food and go the table na lang."


"All right!"


Hindi ko pa rin inalis ang tingin ko kina Johan at Marion. Hindi ko maintindihan kung nagpaplastikan lang sila o talagang magkaibigan. Habang nakuha kami ng pagkain ni Johan, napapansin kong panaka-naka ang pagtingin ni Marion sa amin, binabalewala ko na lang.


Pagkabalik namin nina Johan at sissy sa table, napansin naming hindi sumunod si Marion.


"Have you seen Marion, Rica?" tanong ni Johan kay sissy..


"Yes! Naiwan siya yata dun eh."


"Hmmm. Sige, puntahan ko siya." sabay tayo ni Johan..


"Baby." pagpipigil ko..


"Yes?" pangiting sagot nito..


"W - wala. Balik ka agad ha?"


"Yes I will. I love you!" sabay kiss nito sa cheeks ko..


Hindi ko napigilang mapangiti sa ginawa ni Johan. Pagkaalis nito, nagsimula ng kumain si sissy at ako? Nakatingin lang sa malayo.


Nang biglang..


"Sissy. Nagulat ka sa kanina 'noh?" sabi ni sissy Rica..


"Ha?" nabaling ang tingin ko sa kanya..


"Ang sabi ko nagulat ka kanina sa sinabi ni Marion."


"Medyo? Hindi ko lang inaasahan na.."


"..na ganun ang sasabihin niya at isasagot niya sa tanong ni Johan?" singit ni Rica..


"Oo eh."


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now