Chapter 42: Paliwanag

1.7K 10 12
                                    

Chapter 42: Paliwanag


"B – bakit, Lotty?" pagtataka ko habang hawak ang pisngi ko..



"Tinatanong mo pa kung bakit? ABA, PA INOSENTE KA PA." pasigaw na sabi nito..


Nalilito ako. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit niya ako sinampal? Hindi kaya dahil..


"Ano? Hindi ka makapagsalita? HA?" sigaw nito..


"Ano bang problema mo!" sigaw ni sissy, sabay sugod nito..


Aakamin na ni sissy Rica ng sampal si Lotty ngunit, pinigil ko ito.


"Bakit, sissy? Sinampal ka nitong babaeng 'to!" sabay tingin nito sa akin..


"Hayaan mo siya.. sissy." patungo kong sabi dito..


"Hayaan? Bakit??"


"Dahil ba ito kay Marion?" mahina kong tanong..


"OO, MANG-AAGAW."


"Hindi ko siya inagaw." pangiti kong sabi..


"HINDI? ABA ANG KAPAL NG MUKHA MO!" sabay tulak nito sa akin..


"Kahit kailan hindi ko siya inagaw sa'yo."


"EH BAKIT.."


"Hindi ko alam! Hindi ko na siya mahal!!" sigaw ko..


"Naguguluhan na ako.." sabay upo ni Lotty..


"Binigay ko naman ang buong atensyon ko sa kanya. Minahal ko siya ng sobra. Pero pagkatapos ng lahat, bakit ikaw pa rin ang mahal niya? Bakit? Bakit??" paiyak nitong tanong sa akin..


"Pagkatapos ng lahat, ikaw pa rin ang gusto niya. Ikaw pa rin ang mahal niya. Ano bang meron ka na wala ako? Sagutin mo ako!! Bakit hindi niya ako kayang mahalin na kagaya ng pagmamahal niya sa'yo?? Maganda naman ako ah! Mayaman! Mabait at habulin ng mga lalake! Pero bakit sa pagkakataong ito, ikaw ang nanalo? Ikaw ang pinili at pinipili ng taong mahal ko!!" pahagulgol na sabi nito..


"Tama na.. Please." paiyak kong sabi..


"Bakit ikaw ang mahal niya?? Bakit??" patanong na hagulgol ni Lotty..


"Ang sakit.. sobrang sakit!!" patuloy nito..

One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now