Prologue

180K 2.7K 421
                                    

"Oh~Ah! Fuck! I'm cumming baby! Ah--!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintong nakaawang 'di kalayuan sa pwesto namin. Sabay-sabay rin kaming napatingin sa isa't-isa dahil sa narinig, dahil sa nakakapanindig balahibong pag-ungol ng babae galing sa kuwarto ng halimaw.

"Naku, naka-score nanaman yata si Sir theo ah." Saad ni Luna, isa sa kasamahan ko na nagtatrabaho rito sa mansyon. Nanatili ang tingin ko sa pinto sabay ngiwi.

Akala mo talaga siya ang may-ari nitong mansyon kung makapagdala ng babaeng pina-fuck up sa kuwarto na hindi rin naman kaniya.

"Ano kayang pakiramdam kapag pinaramdam sa 'yo ni Sir theo ang langit 'no?" Tumitiling usal naman ni Carla dahilan para mapangiwi muli ako lalo sabay lingon sa kaniya.

"Sa impyerno kamo ang bagsak niyong dalawa!" Bitter kong isinagot sa kaniya bago lumakad palayo sa puwesto namin kanina.

Napailing na lang din ako sa kawalan bago bumaba papunta sa kusina dahil marami pa akong huhugasang plato.

"Oh Chantria, nasaan na ba sila Bianca?" Tanong ni Aling Rosa, siya ang nagsisilbing Mayor Doma ng mansyon na pinagtatrabuhan ko.

Inilapag ko muna ang mga dala kong plato na kinuha ko sa mga kuwarto bago sumagot. "Nasa taas pa po, ang dami po kasing kalat sa mga kuwarto sa itaas."

Kinuha ko ang mga iba pang hugasin na nasa long table at inilagay ang mga 'to sa lababo para mahugasan na.

Kung nagtatanong kayo kung bakit ang daming plato sa bawat sulok, eh kasalanan 'to ng bwesit na Theo na 'yon dahil nagpa-party pa ang loko na akala niya pagmamay-ari niya 'tong bahay.

"Maiwan na muna kita Chantria, may aasikasuhin pa kami sa labas." Tanging pagtango na lang ang naisagot ko dahil nakatuon na ang atensyon ko sa paghuhugas ng mga plato.

Naramdaman ko namang lumakad na palayo si Aling Rosa paalis ng kusina kaya ako na lang ang tanging naiwan dito sa kusina.

Nagsimulang lumukot ang mukha ko habang mariin ang tingin sa mga platong hinuhugasan.

"Kainis! Malamang mamaya paguran na naman dahil sa party na 'yan na halos araw-arawin na!" Pabulong kong reklamo habang masama ang tingin sa basong sinasabunan ko. "Nasaan na ba kasi 'yung boss namin at hindi naman yata--"

"I'm the boss, Brielle." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may tumamang matigas na bagay sa likuran ko, pati na rin sa pumutol sa pabulong kong reklamo. Kaagad naman akong napalingon pero mabilis ko 'yung pinagsisihan dahil muntik nang magtama ang labi naming dalawa ni Sir Theo dahil sa lapit ng mukha namin sa isa't-isa.

Shit!

Kumunot ang noo niya habang ang paningin niya ay nasa labi ko, ngunit agad ding iniangat patungo sa mga mata ko sabay ngisi. "If you don't wanna work, come alone to my room and let's make love together." Aniya bago lumayo sa 'kin, nandoon pa rin ang nakakapangilabot niyang ngisi sa labi.

Umawang naman ang labi ko dahil sa sinabi niya at binigyan siya ng hindi makapaniwalang tingin.

Ano kamo!? Tuluyan na bang nasira ang utak niya?

"See you later." Aniya bago pa ako makasagot sabay kindat bago lumakad paalis ng kusina habang nakasuksok ang dalawang kamay niya sa bulsa ng khaki shorts niyang suot.

Habang nakaawang pa ang bunganga dahil sa nangyari, napahawi na lang din ako sa sariling buhok dahil sa init na naramdaman.

"I'm the boss, Brielle." Pang-gagaya ko sa sinabi niya kanina sabay irap. Huminga ako nang malalim bago muling ipagpatuloy ang kaninang ginagawa na may halong sama ng loob.

Bakit ba kasi siya nandito? Nakakahiya naman sa totoong boss ng mansyon na 'to, tsk.

----------------------
Don't forget to vote!

A/N: THIS STORY IS STILL NOT EDITED, SO ASAHAN NIYO NA MARAMI KAYONG MAKIKITANG ERRORS AND WRONG GRAMMARS. DON'T WORRY, AAYUSIN KO PO 'TO ONCE NA MALUWAG NA ANG AKING SCHED, THANKYOUUU AND ENJOY READING! <3

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now