Chapter 26

65.7K 1.5K 219
                                    

Chantria's POV

"Hays, focus." Inis kong bulong sa sarili habang sinosolve ang problem na ibinigay sa 'min.

I love you, Chantria Brielle..

Mariin akong napapikit dahil muli ko nanamang narinig ang boses ni Sir Theo, lalo na sa sinabi niyang kanina pa bumabagabag sa 'kin.

"Times up." Anang Prof kaya inis akong napahilot sa sentido, bumaba ang tingin ko sa notebook kong problem lang ang nakasulat at iilang tuldok sa baba.

"Ayos ka lang?" Dinig kong tanong ni Bryan na siyang katabi ko nanaman ngunit 'di ko siya binigyan ng tingin.

Bumuntong hininga ako. "Yep."

"Sungit." Komento niya habang bahagyang natatawa dahilan para mapasulyap ako sa kaniya na ngayon ay nakatingin na sa notebook niya.

Pakielamero.

Napabuntong hininga ako hanggang sa marinig ang kanina pa gustong madinig galing sa Prof.

"Class dismiss." Ani ng Prof kaya mabilis kong niligpit ang mga gamit ko sabay tayo, ramdam ko pa ang pagsunod ng tingin sa 'kin ni Bryan ngunit 'di ko na siya pinansin pa hanggang sa malanghap ko na ang sariwang hangin pagkalabas.

"Hassle." Bulong ko sa sarili ko. Ilang segundo pa akong naghintay bago ko mamataan sila Luna at Celestia na inaayos pa ang bag sa likuran.

"Luna!" Tawag ko sa kanila dahilan para mapatingin sila sa 'kin, mabilis naman nila akong kinawayan bago lumapit sa 'kin.

Ngumisi si Luna. "Wow, hapon na pero fresh pa rin ang lola mo." Tawa niya pa na bahagya kong sinabayan.

"'Wag mong sabihing naiinggit ka nanaman sa pagiging fresh ni Chantria?" Biro pa ni Celestia habang naglalakad kami pababa sa building.

Humalakhak si Luna. "Me? Inggit? Hello? May sarili akong freshness 'no, kaya nga may ka-text mate ako mamaya gabi." Pagmamalaki niya pa na nagpailing sa 'min ni Celestia.

Halos gabi-gabi naman siyang may ka-text mate. Nakakainggit nga minsan si Luna dahil dalawang linggo pa lang ang nagdadaan simula ng pumasok kami rito, marami na kaagad siyang naging kaibigan.

Well, hindi naman na ako magtataka pa ro'n dahil sa ugali pa lang ni Luna.

"May klase ka pa Chantria?" Tanong sa 'kin ni Celestia. Tumingin ako sa kanila bago sumagot.

"Wala na, kayo ba?"

Huminto kami sakto sa tapat ng hagdan. "Paano 'yan? May klase pa kami ni Luna, isa sa 'kin dalawa sa kaniya." Sagot ni Celestia.

"Naku girl, mauna ka na at baka mamuti pa ang mata mo kakahintay sa 'min. Parehong terror ang Prof namin sa huling sub kaya umuwi ka na." Mahinahong sambit ni Luna dahilan para may maalala ako.

Oo nga pala, sinabi ko kay Sir Theo na uuwi ako agad.

Mabilis akong pina-nginitan ng dalawang pisngi nang maalala ang sinabi sa 'kin ni Sir Theo dahilan para mapatikhim ako sabay pilig sa sariling ulo.

"S-sige, kita na lang tayo sa mansyon." Sagot ko sabay atras. Tumango silang dalawa sabay kaway ng bahagya sa 'kin.

"Ingat ka."

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now