Chapter 39

60.1K 1.6K 600
                                    

Chantria's POV

Anim na taon na ang lumipas simula nung una kong masilayan ang mukha ng anak ko. Simula sa mahabang pilik mata, mapula at manipis na labi, asul na mata at matangos na ilong, lahat 'yon tandang tanda ko pa.

"Mommy!"

Mabilis akong napangiti nang makita niya akong nakatingin sa kaniya. Agad siyang tumakbo para salubungin ako at iwan ang mga batang kalaro niya.

"Natapos mo na ba ang mga assignments mo?" Nakangiting tanong ko sa kaniya habang hinahawi hawi ang kaniyang buhok na basang basa pa ng pawis, kasalukuyan siyang nakayakap sa bewang ko at animo'y nagpapaawang nakaangat ng tingin sa 'kin.

"Yes Mommy.." Sagot niya pa ngunit mas lalong namungay ang asul niyang mga mata.

Magsasalita na sana ako para tanungin siya kung ano ang problema ngunit mabilis akong napatingin sa tumawag sa pangalan ko.

"Chantria!" Mabilis kong hinarap si Lorenza habang ang kaniyang dalawang kilay ay halos magsalubong na. Saglit pa akong napasulyap sa anak kong mabilis nagtago sa likuran ko.

'Wag niyang sabihin inaaway niya ang anak ko?

"Bakit?" Taas kilay kong tanong bago bumaba ang paningin sa babae niyang anak na ngayon ay panay ang pagngawa.

Tinuro niya ang anak ko. "Pagsabihan mo nga 'yang anak mo!"

Pagsabihan para saan?

"At bakit ko naman gagawin 'yon? Ano bang problema?" Kunot noong tanong ko pa dahilan para mailagay niya ang isa niyang kamay sa kabilang bewang niya sabay turo naman sa anak niya.

"Aba'y bakit ako ang tinatanong mo? Bakit hindi 'yang anak mo ang tanungin? Aba'y sayang ang kagwapuhan niyan kung hilig niyang magpaiyak ng babae!" Sigaw niya na mas lalong nagpakunot sa noo ko.

Magsasalita na sana ako pero mas lalong umiyak ang babaeng anak niya sabay turo kay Thaddeus na ngayon ay mahigpit na ang pagkakahawak sa dulo ng damit ko.

"Bad ka! B-bad ka!"

Umismid ako sabay yuko ng bahagya para magpantay ang paningin naming dalawa.

"Veronica, ano ba ang ginawa sa'yo ni Thaddeus?" Malumanay na tanong ko, kahit papaano ay nabawasan naman ang paghikbi niya bago kusutin ang kaliwang mata.

"K-kasi po..kiniss n-n'ya po ako p-pisngi tapos po n-nakita ko po na kiniss n-n'ya rin sa ellen s-sa noo!" Humihikbi niyang sabi bago muling ngumawa ng malakas.

Halos malaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya kaya mabilis kong nilingon si Thaddeus na ngayon ay mabilis ding nag-iwas ng tingin sa 'kin, kita ko kung paano humaba ang kaniyang nguso habang nakatingala sa taas.

"Aba! Bata pa lang babaero na!" Komento ng nanay ni Veronica. "Pagsabihan mo 'yang anak mo Chantria nang hindi lumaking babaero! Naku, naku! Sayang ang kagwapuhan, halika na nga Veronica!" Dagdag niya sabay hila sa anak paalis kaya minabuti kong harapin si Thaddeus.

"Thad.." Nagbabanta ngunit malumanay kong sabi bago tumayo. Napabuntong hininga ako bago siya hawakan sa kamay at lumakad paupo sa kahoy na upuan na nasa tapat ng apartment namin.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now