Chapter 35

60.9K 1.3K 420
                                    

Chantria's POV

"Kairo.." Tawag ko sa atensyon niya dahilan para mapalingon siya sa 'kin, habang ang hawak niyang cellphone ay nasa tapat ng kaniyang tenga.

Sinenyas niya sa 'kin ang kaniyang phone bago lumakad palayo sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng pagkahiya roon, pakiramdam ko rin hindi siya masaya sa ginawa kong paglapit sa kaniya.

Kagat-kagat ko lang ang labi ko habang nakatingin sa kaniyang likuran, narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

Hindi kaya..girlfriend niya ang kausap niya?

Napabuntong ako sa naisip, habang naghihintay ay sinubukan kong tingnan ang cellphone ko, ngunit mabilis akong nakaramdaman ng saya nang may makitang mensahe galing kay Sir Theo.

From: Sexy beast

I'm sorry kung hindi kita nasundo, babawi ako tomorrow.

Muli akong napabuntong hininga dahil sa nabasa. Nawalan ako ng gana dahil doon kaya minabuti kong 'wag na lang siyang replyan kaya agad ko ring itinago 'to sa bulsa ko.

Sakto namang nakita kong papalapit na sa 'kin si Kairo gamit ang nakangiti niyang mukha. Kumabog ang dibdib ko sa kaba hanggang sa tuluyan ko na siyang makaharap.

"Hmm? Is there something wrong?" Tanong niya. Kinurot ko ang isa kong daliri at pilit pinatatag ang sarili.

Tumingin ako sa kaniya. "G-gusto lang sana kitang makausap..Kairo."

Pinakatitigan ko ang kaniyang mukha para makita ang kaniyang reaksyon pero normal lang naman 'yon.

"Sure, what is it?"

Tumikhim ako para mawala ang pagbabara ng lalamunan ko, ni hindi ko na siya kayang tingnan ng diretsyo sa dalawang mata niya dahil sa kaseryosohan nito.

"K-kairo..alam kong hindi na dapat 'to inuungkat dahil sigurado ako na..w-wala ka ng nararamdaman sa 'kin pero pakiramdam ko kailangan ko talaga 'tong sabihin sa'yo." Huminga ako ng malalim bago mariing pumikit. "Ang totoo..may g-gusto ako kay Sir Theo kaya hindi ko magawang gustuhin ka pabalik..m-matagal ko na siyang gusto Kairo..sorry dahil nagsinungaling ako--"

"I know.." Napadilat ako at nag-angat ng tingin sa kaniya. Muntik pa akong mapaiktad nang hawakan niya ang isa kong kamay. Ngumisi siya.

H-hindi ba siya galit?

"I already knew about you and Uncle Theo, Chantria..so you don't have to say sorry cause I understand you." Aniya na nagpaawang sa bibig ko.

Muli kong nakita ang lungkot sa mga mata niya habang ang paningin niya ay nasa kamay kong hawak niya.

"P-paano mo.." Bitin kong tanong dahil agad akong napahinto nang muling magtama ang paningin naming dalawa.

Huminga siya ng malalim. "Hmm, nakita ko kayo last time sa parking lot sa University, you're with Uncle Theo that time. At first, I thought inaway ka ni Bryan but he said no." Kinagat niya ng bahagya ang kaniyang labi bago bitawan ang kamay ko. "Tinanong ko siya kung bakit siya ginanoon ni Uncle..ang sabi niya boyfriend mo pala 'yon which is Uncle Theo." Tumawa siya ng bahagya sabay kamot sa kaliwang kilay. "Stupid me, muntik ko pang agawan si Uncle," Muli siyang tumawa. "Ngayon alam ko na kung bakit ganoon na lang ang inaasta sa 'kin ni Uncle, he's jealous."

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now