Chapter 1

113K 2.6K 193
                                    

CHANTRIA'S POV

"Hayop ka! Lahat binigay ko na sa 'yo pati luho mong bwesit ka! Tapos ngayon lolokohin mo lang pala ako! Shit ka!" Humahagulgol kong sigaw habang pinaghahampas ang boyfriend--ex kong manloloko na ngayon ay pilit tinatakpan ang pagkalalaki niya gamit ang t-shirt na binili ko pa sa kaniya.

"Aray! Nasasaktan ako Chantria!" Sigaw rin niya habang sinasangga ang mga hampas ko na lalong nagpadagdag sa inis ko.

"Hayop ka! Hindi mo alam kung gaano kita kagustong patayin!" Umiiyak akong bumaling sa babaeng kalantari ng boyfriend--argh! Ex ko! "At ikaw? Pakshit ka pinsan kita tapos ganito ang gagawin mo sa 'kin?"

Hindi ko na maisip kung ano na ang istyura ko dahil nananaig sa atay at kalamnan ko ang sakit na hindi ko na maipaliwanag. Ramdam ko ang pananakit ng dibdib ko dahil sa sitwasyon ko ngayon. Hindi ko maisip na ang boyfriend kong akala ko'y di ipaparanas sa 'kin ang sakit, ito ngayon double pa ang ibinigay sa 'kin.

Sa halip na sagutin ako ng pinsan kong traydor ay napayuko na lang ang hayop habang nakatapis ng kumot ang hubo na katawan.

Puno ng pandidiri ang nararamdaman ko ngayon dahil sa mga baboy na 'to. Gusto kong hugasan ang kamay ko dahil sa ginawang paghawak sa ex ko para lang hampasin siya.

Naisapo ko na lang ang kamay sa mukha ko habang humahagulgol. Gusto ko silang saktan pero hindi ko magawa kaya tanging pagmumura na lang ang naibato ko sa mga hayop.

Kung hindi ko lang sana hinayaan 'to si Jessa na ahasin ang boyfriend ko..

"S-sorry Elle...mahal ko talaga si Prince eh. Hindi ko naman sinasadya na agawin siya sa 'yo.." Saad niya pa na nagpatawa sa 'kin nang sarkastiko. Idinuro ko pa muna ang ex kong nag-iiwas ng tingin sa gilid bago magsalita.

"Kita mo 'yan? Sa 'yo na 'yan. Sa 'yong-sa 'yo na. Tingnan ko lang kung 'di ka magaya sa 'kin, nagawa niya nga akong lokohin eh, ano ka pa kaya?" Hinawi ko ang buhok ko sabay singhap. "Tangina Jessa alam kong malandi kang babae pero pati ako sinulutan mo."

Tiningnan niya ako nang masama pero nanatiling tikom ang bibig niya. Tama 'yan, tingnan ko lang kung hindi sumabog 'yang bibig niya kapag nagsalita pa siya.

Nang kumalma kahit papaano ay agad akong lumakad papunta sa mga gamit ko. Mabilis kong inilagay ang mga damit kong kakaunti lang naman sa bag ko. Kung sana ipinambili ko na lang ng mga damit ko ang mga pinambibili ko ng luho sa ex kong demonyo edi sana marami na ngayon akong damit.

Malas! Bakit pa ba ako pinanganak kung puro kamalasan lang din pala ang dadanasin ko sa mundong 'to?

Naramdaman ko ang paglapit sa 'kin ni Prince dahilan para muling uminit ang ulo kong kumalma kahit papaano kanina. "C-chantria..saan ka pupunta?" Gusto ko pa yatang matawa dahil sa tanong niyang 'yon.

"Sa impyerno."

Nang mailagay na lahat ng gamit sa bag ko ay kinuha ko naman sa loob ng drawer ko ang mga inipon kong pera.

Mas mabuti pang lumayo na lang ako kaysa makapatay pa ako ng mga hayop. Wala na rin naman akong pamilya kaya wala na ring maghahanap sa 'kin kung saan man ako pumunta.

He's The Boss (Maid Series #1) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu