Chapter 27

64.4K 1.6K 171
                                    

Chantria's POV

"Where do you want to eat?" Tanong niya habang seryosong nagmamaneho ngunit mas lalo akong hindi mapakali habang pigil hiningang nakatingin sa kamay niyang nakapatong sa hita ko.

Suminghap ako sabay tingin sa labas ng bintana. "K-kahit saan mo..gusto." Sagot ko dahilan para marinig ko ang mahinang paghalakhak niya, halos mapaiktad pa ako na g pisilin niya ang hita ko bago lubayan 'yon.

Shit lang, Chantria.

Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa restaurant na hinintuan namin, ngayon ko lang din napansin na madilim na kaya mabilis akong ginapangan ng kaba dahil baka hanapin ako nila Luna.

"Dito na lang tayo." Anyaya ko nang tuluyan na kaming makapasok sa loob, inalalayan niya pa akong makaupo bago siya pumwesto sa harapan ko.

Tumikhim siya. "What do you want?" Tanong niyang muli habang ang paningin ay nasa hawak na menu.

"K-kahit ano.." Bitin kong sagot dahilan para kunot noo siyang tumingin sa 'kin. Nagpakawala pa siya ng malalim na buntong hininga bago ako malumanay na tingnan.

"Come on, honey. Don't mind me, just choose the food you want to eat."

"S-sige." Tikhim ko bago magbaba ng tingin sa menu, saglit pa akong sumulyap sa kaniya na kasalukuyang nakatingin sa 'kin bago ako mag-iwas.

Roasted chicken? 3,500 na agad? E pang tuition ko na 'yon ah.

Napatikhim ako bago ilipat sa kabilang page ang hawak na menu, pasta naman ang nandoon ngunit ginto pa ang halaga kaya pinag-igihan ko ang paghahanap ng murang pasta.

"I-itong carbonara na lang ang akin." Sagot ko sabay baba ng menu.

"You sure? Add some desserts, Brielle." Aniya ngunit mabilis akong umiling.

"Hindi na, busog pa kasi ako baka h-hindi ko maubos." Sagot ko, pinakatitigan niya pa ako saglit bago magawang tumawag ng waiter na mabilis ding lumapit.

Hindi ko na nasundan ang sinabi niya dahil busy na ang paningin ko kakalibot sa sariling paningin sa kabuuan ng restaurant hanggang sa mapunta ang paningin ko sa waiter na kasalukuyang nilalapag ang order naming dalawa.

"Wine please." Senyas niya pa sa waiter bago bumaling sa 'kin. "Eat your food now, Brielle."

Hindi na ako sumagot pa dahil sinimulan ko na ring lantakan ang carbonara na inorder ko, lalo pa akong natakam dahil sa idinagdag ni Sir Theo na isang buong order ng roasted chicken habang ang kaniya naman ay salmon steak.

Maya-maya pa ay dumating na rin ang inorder niyang wine, inabutan pa niya ako ng wine glass kaya binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

Masyadong nakakailang, hindi ko alam kung paano magbubukas ng topic. Hindi pa rin ako sanay na ganito siya sa 'kin.

Tumikhim ako sabay lunok sa kinakain bago magsalita. "B-bakit nga pala parang kilala ka ng halos lahat ng nandoon? Madalas ka ba talagang nagagawi roon?" Pangbubukas ko ng usapan.

Pinunasan niya pa muna ang gilid ng labi niya gamit ang tissue bago sumagot. "Actually, that land is my property."

Awtomatikong nalaglag ang panga ko dahil sa gulat. "H-ha? Sa'yo 'yon?" Gulat ko talagang tanong dahilan para matawa siya ng bahagya.

Mali, bakit nga ba ako nagugulat gayung alam ko naman kung gaano siya kayaman kaya normal lang sa kanya na magkaroon ng lupang pagmamay-ari.

"Yeah? Pero hindi ko na sila pinagbabayad dahil masyado na akong mayaman, imbes na ibayad nila ang pagpwesto nila sa lupa ko, pangdagdag na lang sa gastusin nila." Kibit balikat niya sabay subo muli sa kinakain, ngunit ang paningin ay nasa akin animo'y pinapanood ang magiging reaksyon ko.

He's The Boss (Maid Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon