Chapter 7

73.6K 1.9K 112
                                    

Chantria's POV

Simula nang maghiwalay kami ni Prince, akala ko hindi na ulit ako makakabangon, akala ko hindi na ako sasaya pang muli. Lahat sinukuan ko at para bang pinagsakluban ng langit at lupa ang durog kong puso pero lahat 'yon nagbago simula nang makatapak ako sa mansion na pinagsisilbihan ko ngayon.

Dahil sa mansion na 'yon, nakahanap ako ng karamay, kakampi, at masasandalan na hindi ko naranasan o nagkaroon man lang kahit noon.

"Alam mo, Chantria 'yang mga lalaki salot 'yan! 'Pag hindi nakuha ang gusto, maghahanap ng bago!" Lalanggo-langgong usal ni Celestia matapos ko mai-kwento sa kanila ang nangyari na panloloko sa 'kin ng ex ko.

Tumango si Carla. "Kaya nga kung magpapaloko ka na lang din ulit, sa gwapo na lang para sulit."

Bahagya akong natawa sa sinabi niya, maging sila Bianca ay natawa dahil animo'y may laman ang lahat ng sinabi niya.

Kasalukuyan na kaming umiinom, ala-una na rin ng hapon pero tinamaan na agad si Celestia. Paniguradong mababa ang alcohol tolerance niya.

Muli naman akong napalingon nang palihim sa paligid, kanina pa ako hindi mapakali na para bang may hinahanap ang mga mata ko.

Tsk, tumigil ka na Chantria.

"Uy! Thank you sa pagpunta ah!" Biglang sulpot ni Luna sa kalagitnaan ng pagke-kwentuhan namin na ngayon ay parang prinsesa dahil sa ganda ng kaniyang ayos. Nagmukha tuloy siyang manika dahil sa kulay pink niyang cocktail dress na napapalibutan ng mga dyamante banda sa may dibdib. Nakapusod ang kulay brown at kulot niyang buhok na umaabot sa kaniyang bewang.

Binigyan naman siya ng upuan ni Kristel kaya mabilis siyang ngumiti rito at nagpasalamat bago umupo sa upuan.

Tumikhim ako. "Happy birthday Luna, sorry dahil hindi ako nakapag-dala ng regalo, sa susunod ko na lang iaabot." Nahihiyang sinabi ko sa kaniya dahilan para matawa siya nang bahagya sa akin sabay hampas sa hangin.

"Naku! Ayos lang Chantria, hindi ko naman kailangan ng regalo, ayos na 'tong panibagong taon na binigay sa 'kin ng Diyos." Aniya na nagpangiti sa 'min. Tumikhim siya sabay lingon sa gawi nila Sir Lawrence na ngayon ay nakikipag-kwentuhan at nakikipag-inuman sa mga 'di ko kilalang mga lalaki, si Boyet at Manong Jun lang yata ang nakilala ko. "Kinikilig ako! Niregaluhan ako ni Sir Lawrence ng dream bag ko! 'Yung Chanel bag na gusto ko talagang bilhin! Hindi ko inaasahan na may magreregalo sa 'kin no'n at hindi na ako magtataka na si Sir Lawrence 'yon! Huhu! Ang bait niya talaga!" Palahaw niya habang namumula ang dalawang pisngi.

Maging kami ay natuwa dahil sa sinabi niya, bakas talaga ang tuwa sa mukha niya, maging ang pula na niyang pisngi ay lalo pang namula, dala na rin siguro ng tuwa.

"Masaya ako para sa 'yo, Luna. Hindi ba't ang bait talaga ni Sir Lawrence? Ano pa kaya kung bigyan ka ni Sir Theo ng regalo!" Patiling usal ni Carla dahilan para mag-apir pa ang dalawa dahil sa excitement.

Ang hyper nila masyado.

"Kyaaah!! Oo nga eh! Kanina ko pa siya inaabangan pero ang tagal naman yata ni Sir."

Napayuko ako dahil sa naging usapan nila. Ang paa ko ay napapasabay sa beat ng kanta na nang-gagaling sa videoke na on the wings pa ang kanta, sintunado man ang boses ng babae, mapagtya-tyagaan na rin naman pakinggan kahit papaano.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now