Chapter 38

59.9K 1.5K 339
                                    

Chantria's POV

Ilang linggo na ang nakakalipas simula nang umalis kami sa mansyon. Gusto ko pang mahiya dahil sinamahan talaga ni Kristel dahil maski ang trabaho niya sa mansyon ay iniwan niya.

"Ano ba, sinabi ko naman sa'yo na palagi akong nasa tabi mo kapag may problema ka."

"'Wag ka na ngang maraming sinasabi, hihintayin ko pa ang paglabas ng pamangkin ko."

"Chantria, ayos lang sa 'kin kung umalis ako sa mansyon na 'yon. Nako, mas gusto ko pa rito sa tabi mo kaysa makita si Manang Rosa at ang Amil na 'yon."

Bahagya akong napangiti sa tuwing naaalala ang mga sinabi niya sa tuwing tinutulak ko siya palayo at bumalik na sa mansion.

Kasalukuyan akong nandito sa labas ng bahagya at tahimik na nakaupo habang nakatingin sa mga batang naglalaro 'di kalayuan sa pwesto ko. Nandito rin kami sa Baguio, laking pasasalamat ko kay Kairo dahil dinala niya kami rito, siya rin kasi ang may-ari ng apartment na tinitirhan namin ngayon. Habang sila Luna at Celestia naman ay tuwing weekends lang nakakapunta rito dahil may pasok.

Napawi ang kaninang ngiti ko nang maisip ang naudlot kong pag-aaral. Masakit para sa 'kin na ang pangarap kong pag-aaral ay mauudlot muli, kung noon maraming paraan para makapag-aral akong muli, ngunit ngayon malabo na dahil sa kalagayan ko.

Bahagya muli akong napangiti nang maalala ang lahat ng nangyari sa mansyon, lalo na nung mga panahon na galit pa ako kay Theo.

*Flashback*

"Oh~Ah! Fuck! I'm cumming baby! Ah--!"

Sabay sabay kaming napalingon sa pintong nakaawang sa 'di kalayuan sa pwesto namin. Sabay sabay rin kaming napatingin sa isa't isa dahil sa narinig, dahil sa nakakapanidig balahibong pag-ungol ng babae galing sa kwarto ng halimaw.

"Naku, naka-score nanaman yata si Sir. Theo ah." Saad ni Luna, isa sa kasamahan ko na nagtatrabaho rito sa mansyon. Nanatili ang tingin ko sa pinto sabay napangiwi.

Akala mo talaga siya ang may-ari nitong mansyon kung makapagdala ng babaeng pina-fuck up sa kwarto na hindi rin naman kaniya.

"Ano kayang pakiramdam kapag pinaramdam sayo ni Sir Theo ang langit 'no?" Tumitiling usal naman ni Carla dahilan para mapangiwi muli ako lalo sabay lingon sa kaniya.

"Sa impyerno kamo kayo mapupunta!" Bitter kong isinagot sa kaniya bago lumakad palayo sa pwesto namin kanina.

Napailing na lang din ako sa kawalan bago bumaba papunta sa kusina dahil marami pa akong huhugasang plato.

"Oh Chantria, nasaan na ba sila Bianca?" Tanong ni Aling Rosa, siya ang nagsisilbing Mayor Doma ng mansyon na pinagtatrabuhan ko.

Inilapag ko muna ang mga dala kong plato na kinuha ko sa mga kwarto bago sumagot. "Nasa taas pa po, ang dami po kasing kalat sa mga kwarto sa itaas."

Kinuha ko ang mga iba pang hugasin na nasa long table at inilagay ang mga 'to sa lababo para mahugasan na.

Kung nagtanong kayo kung bakit ang daming plato sa bawat sulok, 'e kasalanan 'to ng bwesit na Theo na 'yon dahil nagpaparty pa ang loko na akala nya pagmamay-ari nya 'tong bahay.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now