Chapter 41

65.9K 1.6K 401
                                    

Chantria's POV

"Bitawan mo nga ako!" Inis kong sigaw kay Theo habang pilit nagpupumiglas sa hawak niya, gusto ko pang mahiya dahil pinagtitinginan na kami ng mga taong nakakasalubong namin hanggang sa tuluyan na kaming makalabas ng company.

"Ano ba!" Singhal ko sa kaniya. Mabuti na lang dahil binitawan na rin niya ako nang makarating kami rito sa parking lot ng company kung saan walang katao-tao.

Walang emosyon ang mukha niyang nakatingin sa 'kin. Nakakainis siya at gusto ko siyang sapakin dahil sa ginawa niyang paghila sa 'kin palabas.

"What are you doing here?"

Kumunot ang noo ko. "Anong, anong ginagawa ko rito? Hindi mo ba narinig na nagtatrabaho ako rito?!" Asik ko sa kaniya ngunit nanatili ang blanko niyang mukha kung kaya't mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Uuwi na sana ako pero nagulat ako nang bigla na lang niya akong higitin papunta rito. Nakakapagtaka dahil nagawa niya pa talaga akong hintayin, gusto ko siyang kwestyunin kung bakit niya lahat ginagawa 'to pero umuurong ng kusa ang dila ko.

Hindi ko maatim na nandito ako sa harapan niya na akala ko ay impossible na. Bahagya akong nagbaba ng tingin sa mga daliri niya ngunit wala akong nakitang singsing doon.

'Wag niyang sabihin na hindi pa siya kasal?

"Did you come here on purpose to work because you knew you would see me here?" Kaswal pa niyang tanong dahilan para tingnan ko siya ng hindi makapaniwala.

Umismid ako. "Ano bang sinasabi mo diyan? Para sa kaalaman mo Mr. Grayson, nung isang araw ko pa balak mag-apply rito."

Napabuntong hininga ako bago muling mag-iwas ng tingin sa kaniya. Hindi ba dapat hindi na niya ako kinakausap pa? Matagal na kaming wala at para bang hindi niya pa nakakalimutan lahat ng nangyari sa 'min.

I'm happy that I loved you, Brielle..

Agad akong napayuko nang maalala ang basag niyang boses kaya kahit nanghihina ay buong loob kong tiningnan siya ng diretsyo sa mata. Ang mga mata niya ay nanunuri at animo'y binabasa ang laman ng isip ko.

"Matagal na tayong wala, kaya katulad ng ganitong insidente, magkunwari ka na lang na hindi tayo magkakilala. Anim na taon na ang lumipas, kaya sana 'wag kang umasta na.." Mariin akong pumikit, halos hindi ko na madungtungan ang sasabihin ko dahil pakiramdam ko ako pa ang nag-uungkat no'n. Dumilat akong muli. "Uuwi na ako."

Hindi ko na siya hinintay pang magsalita pa dahil mabilis ko na siyang tinalikuran at lumakad paalis. Pumara ako ng masasakyan, nagtaxi na lang ako para mas mabilis.

Nasa labas lang ng bintana ang paningin ko, nasaksihan ko pa ang pagpasok niya sa loob ng kaniyang kotse ngunit agad na akong nag-iwas ng tingin.

Ibinaling ko naman ang paningin ko sa relo na suot ko, 6:15 pm na. Mabuti na lang at nasa bahay pa rin sila luna kaya tinext ko sila na sila muna ang magsundo kay Thaddeus dahil hindi ko naman inaasahan na magkakaroon agad ako ng trabaho ora mismo.

"Dito lang, Manong." Sambit ko nang makita ang kanto, agad kong binigay ang bayad bago tuluyang bumaba. Laylay ang balikat ko habang naglalakad pauwi sa apartment.

Muli akong napabuga ng hangin ng makita ang bukana ng apartment namin, bukas ang ilaw sa labas.

Iniisip ko pa lang na makikita ko ulit si Thaddeus ginanahan na ulit ako. Sa kaniya lang talaga ako kumukuha ng lakas, sa tuwing nahihirapan ako nandiyan ang anak ko para i-comfort ako. Ang swerte ko lang dahil napalaki kong mabait na bata ang anak ko.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now