Chapter 25

67.6K 1.8K 362
                                    

Chantria's POV

Pagkatapos ng ginawang pag-amin sa 'kin ni Sir Theo, naging panay na ang pag-aligid niya sa 'kin kahit sa oras pa ng trabaho ko.

"Oh come on, you don't need to do that, honey. You should take a rest, hmm?" Malambing niya pang sinabi habang dahan-dahan na inaagaw ang pamunas sa kamay ko na mabilis ko ring binawi.

Kumunot ang noo ko bago bumuntong hininga. "Puwede ba? Umasta ka ngang boss sa 'kin, p-pinapasahod mo ako kaya dapat ay naglilinis ako." Nahihiya ko pang sinabi bago muling magpatuloy sa pagpupunas ng taas ng cabinet, maging ang mga mamahaling vase ay pinunasan ko rin.

Narinig ko ang mahina niyang pagsinghal. "May pasok ka pa bukas, Brielle." Mariin niyang sinabi.

Ano naman kung may pasok ako bukas? Bakit ba siya nagkakaganiyan e gabi-gabi ko naman 'tong ginagawa.

Napatikhim ako sabay tingin kay Luna na halatang nakikinig sa 'min, kasalukuyan kasi niyang vina-vaccum ang sala.

"Kahit na! Puwede ba Sir Theo? Ano na lang ang iisipin nila Luna? Umakyat ka na ro'n dahil matatapos na rin ako." Tapos kong sinabi dahilan para mapa-ungot siya indikasyon nang pagkatalo.

"Fine." Sumusuko niya pang sagot bago ako lubayan.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang pag-akyat niya sa hagdan kaya mabilis ko siyang binalingan ng tingin, hindi ko mapigilang matawa ng bahagya nang makita ang kunot na kunot niyang noo at bahagyang nakangusong labi. Nang makita ang paglingon niya sa 'kin ay siya namang iwas ko sabay patay malisya.

Hinanda ko na ang sarili ko sa paglapit at pag-usisa ni Luna, maya maya pa ay hindi nga ako nagkamali dahil mabilis niya akong nilapitan.

"Huy! Ano 'yon ah? Talaga bang naglandian kayo sa harapan ko?" Pagalit ngunit pabiro niya pang sinabi bagay na ikinalingon ko sa kaniya.

Umangat ang isang kilay ko. "A-anong naglandian? Tsk, di 'no."

Ngumuso siya sabay bigay sa 'kin ng nanghuhusgang tingin. "Sus! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, sa'yo lang pala magtitino ang dakilang babaero ng bahay na 'to." Tikhim niya pa. "Akalain mo 'yon? Simula nang dumating ka sa bahay na 'to hindi ko na siya nakitang nagdala ng babae rito, pansin ko rin na palagi siyang nandito sa mansyon e palagi naman siyang wala rito kaya nga nakaka-pag movie marathon kami noon sa sala eh, kaso nahinto dahil palagi nang nandito si Sir." Parang naiinis niya pang reklamo bago muling pinagpatuloy ang ginagawa ngunit ang bibig niya ay patuloy sa pagdaldal.

Napailing naman ako bago magpatuloy sa ginagawa ngunit aktibo ang tenga sa pakikinig sa kaniya.

"Tsaka alam mo ba? O kung hindi mo alam, nakikita ko parati si Bianca na pumupunta ng palahim sa kwarto ni Sir Theo, chosera kala niya 'di ko nahalata 'yon ah. Tsaka girl! Like ugh! Nakakarinig ako ng mumunting halinghing.."

"Luna.."

"..ng ibon! Halinghing ng ibon twit twit--oh e bakit Bianca?"

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now