Chapter 36

58.5K 1.4K 283
                                    

Chantria's POV

Ang tagumpay na gusto ko dapat makamit ay mabilis naglaho. Na ang pag-aaral ko na ngayon-ngayon ko lang muli naranasan, ay mukhang mahihinto pa. Tandang-tanda ko pa kung gaano ako kasaya sa unang araw ng klase, na sa unang araw na 'yon pakiramdam ko makakapag-tapos na ako ng pag-aaral.

Tangina, pano na 'to ngayon?

Mabilis kong nabitawan ang hawak, napahawak din ako sa sink dahil sa panghihina ng dalawang tuhod. Hindi ko matanggap.

Hindi ko matanggap na buntis ako!

"Chantria..puta paanong buntis ka?" Namomroblema ring tanong sa 'kin ni Luna ngunit hindi ko siya ngayon masagot. Pilit kong sinisink-in sa utak ko na may batang unti-unting mabubuhay na akong dadalhin sa loob ng sinapupunan ko.

Napasapo ako sa mukha ko gamit ang sariling palad, doon ko lang naramdaman ang mga luhang unti unti nang nasisipatakan sa pisngi ko. Suminghap ako at wala sa sariling napahilamos sa sarili.

Lahat ng balak ko dapat sa sarili, lahat 'yon naglaho.

"Kumalma k-ka Chan, baka..mapaano ka pa." Pagpapatahan sa 'kin ni Luna, naramdaman ko pagtapik niya sa likuran ko ng bahagya ngunit hindi 'yon nakatulong dahil nilalamon na ng problema ko ang aking sistema, iniisip ko rin kung ano ang dapat gawin sa batang nasa sinapupupunan ko.

"Sino ang ama ng dinadala mo? Si S-sir Theo ba?" Alinlangang tanong ni Luna. Kinagat ko ang labi ko, nag-iwas ako ng tingin bago tipid na tumango dahilan para marinig ko muli ang malutong niyang pagmura.

Ngayon, nagsisisi na talaga ako na isinuko ko ang sarili kay Sir Theo. Sising-sisi na ako ngayon. Hindi ko masyadong inisip kung ano ang kahihinatnan nito sa huli, at ito ako ngayon pinoproblema na 'yon ngayon. Wala ring kasigaruduhan kung papanagutan ba ako ni Sir Theo gayung hindi kami masyadong nagkikita nitong lumipas na araw.

"Kailangan mong sabihin 'yan kay Sir Theo, Chantria." Sambit ni Celestia dahilan para luhaan akong mapatingin sa kaniya.

Laking pasasalamat ko talaga na walang ibang pumapasok.

Suminghap ako. "P-paano kung itanggi niya na anak niya 'tong nasa sinapupupunan ko?" Tinuro ko ang sikmura ko bago ko maramdaman ang pagkibot-kibot ng labi ko. Ramdam ko pa rin ang panghihina ng dalawang tuhod ko. "N-natatakot ako Celestia..natatakot ako na baka ibasura niya ako gayung nabuntis na niya ako." Humagulgol ako sa harapan nila.

Hindi ko na magawang pakalmahin ang sarili, hindi ko na rin alam kung ano ang dapat gawin dahil masyadong seryoso ang problemang kakaharapin ko sa oras na itaboy ako ni Sir Theo.

Mariin siyang pumikit bago hawakan muli ang pulsuhan ko. "Hindi mo malalaman kung hindi mo siya kakausapin, Chantria. Alam natin na mahal ka talaga ni Sir Theo kaya nakakasiguro akong 'di niya magagawa 'yon sa'yo."

Hindi ko na nagawang tumanggi dahil tuluyan na nila akong nahila palabas. Tulala lang ako at hinahayaan ang sariling magpahila kay Celestia.

"What happened?" Tinig ni Kairo ang nadinig ko dahilan para mapatingin ako kay Celestia na ngayon ay nakatingin na rin sa 'kin. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Ayokong malaman ni Kairo na buntis ako at nakakatakot na baka husgahan niya ako.

"Wala," Tumikhim si Celestia. "Kairo, siguro sa susunod na lang tayo kumain, tsaka..puwede bang ihatid mo na lang muna kami sa mansyon? Hindi kasi maganda ang pakiramdam ni..Chantria."

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now