Chapter 11

73.9K 2.1K 381
                                    

Chantria's POV

Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang ibang bagay sa mundo. Hindi mo alam kung totoo ba ang sinasabi ng iba, o minsan, hindi mo rin alam kung totoo ba o hindi kung ano ang nasa harapan mo. Tulad ko, hindi ko maintindihan kung totoo ba ang lahat ng pinapakita sa 'kin ni Sir Theo gayung hindi naman ako tanga para hindi maintindihan lahat ng kilos o mga sinasabi niya.

Posible bang pinaglalaruan niya lang ako, o posible bang may gusto talaga siya sa 'kin bagay na hindi ko lubos maisip.

Napatikhim ako at buong tapang na nilabanan ang madilim niyang ekspreyon, humigpit din ang hawak ko sa jacket ni Kairo na nakabalot sa katawan ko.

"M-mauna na ho ako sa loob.." Hindi ko na siya hinintay pang makasagot dahil dali-dali na akong tumakbo papasok ulit sa mansyon dahilan para salubungin nanaman ako ng dagat ng mga tao na ngayon ay mas lalong naging agresibo sa pagsasayaw.

Amoy na amoy ko ang alak, pati ang usok na mula sa sigarilyo. Hindi ako makapaniwalang ang malinis at maayos na mansion ay naging bar na animo'y kuta ng hayok sa party.

Kung bakit ba kasi hindi na lang sila sa bar nagparty at kailangan pa talagang dito sa bahay.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang tuluyan na akong makaakyat sa hagdan patungo sa kwarto namin.

"Oh? Ang tagal mo naman yata?" Salubong sa 'kin ni Kristel. Hindi ko siya magawang sagutin dahil dire-diretsyo akong humiga sa kama sabay pikit sa mata.

Ang kaninang takot, pagod na naranasan ko sa baba ay kaagad naglaho.

"Hindi..ako nakakuha sa baba." Humahangos kong sinabi sabay lunok. Iminulat ko ang paningin ko papunta kay Kristel na ngayon ay nakatayo pa rin sa harapan ko.

"Ayos lang, kanina sinubukan kong kumatok ulit sa kwarto nila Bianca. Mabuti nga at nandoon siya kaya nabigyan niya ako." Aniya na muling nagpapikit sa 'kin. "Siya nga pala, kaninong jacket 'yan? 'Wag mong sabihin kaya ka natagalan dahil nakiparty ka sa baba?" Tumatawang dagdag niya.

Bumangon ako sa kama sabay tanggal ng jacket sa katawan. Pinakatitigan ko pa 'to habang iniisip si Kairo.

Ano kayang pumasok sa isip niya at naisipan niya akong tulungan?

"Hindi..muntik na kasi akong mahuli ni Aling Rosa. Tapos ayon..may humatak sa 'king lalaki palabas tapos binigay niya sa 'kin 'to kesyo maiksi raw ang suot ko."

Napaupo naman si Kristel sa kama ko. "Talaga?! Naku, buti naman at hinila ka niya. Sorry talaga Chantria, hays kasalanan kasi 'to ng dalaw ko!"

Sinisi ba naman ang dalaw niyang nananahimik.

Marahan ko siyang tinampal sa balikat habang bahagyang natatawa dahilan para mapangiti siya.

"Ayos lang," Napasinghap ako sabay tabi ng jacket. Siguro ibibigay ko na lang sa kanya 'to pag nakita ko ulit siya. "Nakita ko rin si Luna sa baba, nakikiparty ang loka."

Namilog ang mata niya sa gulat. "Ha?! Tsk! Sinasabi ko na nga ba, kaya pala wala sila sa kwarto dahil nasa baba pala. Kainis! Gusto ko rin tuloy bumaba, marami bang tao?" Pang-uusisa niya. Muli naman akong humiga sa kama habang iniisip ang nakasalamuha sa baba.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now