Chapter 33

65.8K 1.3K 201
                                    

Chantria's POV

Abot-abot ang kaba ko nang mamataan na ang gate ng mansyon, hanggang sa makababa na nga kami sa loob ng kotse ni Sir Theo, alas sais na rin ng gabi.

"Are you hungry?" Tanong niya habang sabay kaming papasok sa loob ng gate, sinubukan ko pang kunin ang bag ko sa kaniya ngunit mabilis niya 'yon inilayo sa 'kin.

"Hindi p-pa naman." Sagot ko.

Hindi na ako mapakali kapag iniisip ko pa lang na makikita ko muli si Bianca. Dalawang araw pa lang ang nakakalipas simula nang huling away namin, at nasisiguro kong sariwa pa 'yon sa kaniya, at alam kong mas lalong dadagdag ang galit niya sa 'kin sa oras na makita niya ako kasama si Sir Theo.

Pagkapasok ay mas lalo pang nadagdagan ang kaba sa dibdib ko. Pilit ko 'tong pinawi hanggang sa makita ko si Celestia.

"Celestia, where is everyone?" Tawag sa kaniya ni Sir Theo kung kaya ay mabilis na napatingin sa kaniya si Celestia, ngunit lumipat naman kaagad ang paningin niya sa 'kin bago ko makita ang gulat sa kaniyang mukha.

"Chantria?!" Gulat niya pang sambit, mabilis akong natawa nang takbuhin niya ako at agad yinakap kaya mabilis ko ring ginantihan 'yon. "S-salamat naman at nakauwi ka na rito! Grabe namiss kita!"

Magsasalita na sana ako pero mabilis siyang lumayo at tumakbo papunta sa kusina, narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan nila Kristel kaya siya namang pagsulyap ko kay Sir Theo na bahagya pang nakatitig sa 'kin.

Kinagat ko ang labi ko. "B-bakit?"

Halos mapaiktad ako nang ikawit niya sa likod ng tenga ko ang takas kong tenga bago siya ngumiti ng bahagya.

"Nothing, it's just that my future wife is so freaking beautiful."

Naramdaman ko ang pag-alon ng sistema ko dahil sa sinabi niya, ang pisngi ko ay mabilis na uminit habang ang mga paru-paro sa loob ng tyan ko ay mabilis ding nagwala.

Tumikhim ako, ngunit nang makita ko na sila Kristel ay panandalian kong nakalimutan 'yon bago rin lumakad palapit sa kanila.

"Omygosh Chantria!" Tili ni Luna, naabutan ko na lang ang sarili kong yakap-yakap na nilang tatlo dahilan para hindi ko mapangalanan ang sayang nararamdaman ko. "Namiss kita! Ayos lang na matakpan mo ang kagandahan ko basta nandito ka huhuhu!" Dagdag niya na kinatawa ko.

Maya-maya pa ay dahan-dahan na kaming lumayo sa isa't isa.

"Masaya ako na nandito ka na ulit," Saglit siyang sumulyap sa likuran ko. "Kasama si Sir Theo." Dagdag niya sabay ngisi.

Magsasalita na sana ako ngunit napunta naman ang atensyon ko kila Aling Rosa at Bianca na naglalakad din palapit sa 'min, naiwan ang paningin ko kay Bianca na kasalukuyang walang emosyon ang mukha.

"Kamusta ang byahe niyo pauwi rito?" Tanong sa 'min ni Aling Rosa ngunit hindi ko magawang sumagot.

Tandang-tanda ko pa kung paano niya ako gustong paalisin dito sa mansyon.

"Theo." Nangingibabaw naman ang boses ng isang lalaki kaya sabay-sabay kaming napalingon doon, nakita ko si Sir Lawrence ngunit nagtagal ang paningin ko sa dalawang babaeng kasama niya.

"Mdm Margareth!" Nabakasan ko ang saya sa tinig ni Aling Rosa bago patakbong lapitan siya.

"Shit, si Mdm Margareth ba talaga 'yan?" Dinig kong bulong ni Luna ngunit ang paningin ko ay nanatili sa kasamang babae na tinatawag nilang Mdm Margareth. Napalunok ako dahil ang paningin niya ay na kay Sir Theo na..kasalukuyan ding nakatingin sa kaniya.

He's The Boss (Maid Series #1) Onde histórias criam vida. Descubra agora