CHAPTER 45

69.4K 1.4K 114
                                    

Chantria's POV

Naramdaman ko ang bigla niyang paghalik sa braso ko ngunit nanatili akong walang imik. Nakayakap siya sa 'kin galing sa likuran ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama niya.

"Honey..you know that I didn't cheat, right? That was last year ago." Sambit niya, patungkol sa narinig ko mula sa office niya anim na taon ang lumipas.

Bahagya ko siyang nilingon ngunit hindi ko makita ang kaniyang mukha dahil nakasubsob ang kaniyang mukha sa bewang ko.

"Atleast may nangyari sa inyo." Mapait kong sagot, nakita ko sa gilid ng mata ko ang tuluyan niyang pag-angat ng tingin sa 'kin. Mabilis akong napatikhim nang mapaupo siya galing sa pagkakahiga, ngunit hindi ko inaasahan na muli niya akong yayakapin mula sa likuran.

Bumuntong hininga siya ng bahagya sabay halik sa leeg ko. "Yes, may nangyari sa 'min but that was from a past, before I met you. You're now my present so I can't cheat on you, Chantria Brielle."

Ngumuso ako para pigilan ang nagbabantang ngiti sa labi, minabuti kong mag-iwas ng tingin ngunit mas lalo pa yatang nayanig ang sistema ko ng muli niya akong paliguan ng halik sa leeg.

"I love you, my queen..my woman..my wife and my everything.."

"Wife? Eh hindi pa nga tayo kasal." Singhal ko habang nagpipigil ng kilig.

Oh Lord, wala na talaga akong mahihiling pang iba sa lalaking 'to. Nasa kaniya na ang lahat ng gusto ko.

Humalakhak siya. "Why? Atleast bukas na ang kasal natin. Mas mabuti na 'yong advance."

Suminghap ako at marahan na tumayo dahilan para makalas ang pagkakayakap niya sa 'kin galing likuran. Hinarap ko siya dahilan para makita ko nang maayos ang asul niyang mga mata na malamlam ang pagkakatingin sa 'kin.

"Dito ka muna, may pupuntahan lang ako. Susunduin ko rin si Thad pagkatapos." Sabi ko sabay hawi sa buhok at mabilis itong ipinusod.

"Where are you going?"

Inayos ko naman ang nagusot kong suot, pagkatapos ay inayos ko ang mga gamit ko at pinasok sa loob ng hand bag na dala.

Lumingon ako sa kaniya, nakita ko ang nakakunot at nakaawang niyang labi. "Magkikita kami ni Kairo, gusto niya raw--"

"Wait, what?" Putol niya sa sasabihin ko, napalabi ako nang bigla siyang mapatayo paalis sa kama para harapin ako. "Makikipagkita ka kay Kairo? Damn, alam mong inangkin niya noong isang araw lang ang anak ko." Dagdag niya, pinakadiinan ang huling salita.

Bakit ba hindi maalis alis ang galit niya sa pamangkin niya? Gusto ko pang mapailing tuwing naiisip ko na papakasalan ko ang mismong tito ni kairo.

Humalukipkip ako. "Ano ka ba? Para sabihin ko sa'yo na habang nagbubuntis ako sa anak natin nasa tabi ko si Kairo, siya rin ang tumulong sa 'kin at nagbigay ng matutuluyan nung lumayo ako sa'yo kaya 'wag ka ngang ano diyan."

"Sino ba kasing nagsabi na lumayo ka sa 'kin." Bulong niya habang ang paningin ay nasa gilid, kita ko pa ang bahagyang paghaba ng kaniyang nguso dahilan para mapangiwi ako.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now