Chapter 43

67.3K 1.5K 62
                                    

Chantria's POV

"I'm sorry.." Mahinang usal ko habang marahang hinahaplos ang kaniyang mukha, kita ko ang saglit niyang pagpikit bago muling dumilat.

"For what?" Namamaos niyang tanong.

Napalunok ako. "Sa lahat ng sinabi ko..binabawi ko ang lahat ng masasakit na salitang sinabi ko sa'yo." Sinsero kong usal habang nakikipagtitigan sa namumungay niyang mga mata.

Ako naman ang halos mapapikit nang maramdaman ang pagdampi ng kaniyang labi sa aking noo.

"You don't have to..I understand, Brielle so please stop saying that you're sorry." Ngumiti siya dahilan para mahawa ako ngunit muntik pa akong mapaiktad nang haplusin niya ang bewang ko. "Stay here, I'm gonna cook for you."

Tiningnan ko lang siya hanggang sa makatayo, bahagya niya pang minasahe ang braso niya hanggang sa tuluyang makalabas ng kwarto. Nang tuluyang makalabas ay ako naman ang napahawak nang wala sa sarili kong dibdib dahil hindi na yata mahinto-hinto ang lakas ng pagkabog nito.

Nanatili akong nakahiga at kasalukuyang nakatingin sa kisame ng kwarto ni Theo. Pilit ko pa ring ipino-proseso ang lahat ng nangyari kanina. Hindi ako makapaniwalang ganoon na lang kadali akong bumigay, na para bang walang nangyaring hindi maganda sa 'min noong isang araw lamang.

Agad akong napabangon habang inaayos ang sarili, ngayon ko lang din napagtanto na nakasuot na ako ng malaking pajama at malaking t-shirt na paniguradong siya pa ang nagpalit.

Napailing ako dahil doon bago lumakad palabas ng kwarto.

"Theo?" Tawag ko sa kaniya habang dahan-dahang naglalakad, napalunok ako dahil sa ganda ng ayos ng penthouse niya, halatang mamahalin din lahat ng gamit.

"I'm here, honey!"

Kinagat ko ang labi ko sa narinig, halatang nanggaling 'yon sa bandang kusina dahil naamoy ko ang bango ng niluluto niya. Saktong pagtapak ko sa kusina ay naabutan ko pa siyang naghahalo ng fried rice habang walang suot pang-itaas.

Tumikhim ako para agawin ang kaniyang atensyon, hindi naman ako nabigo dahil mabilis siyang napasulyap sa 'kin, muntik pa akong mahawa dahil sa ganda ng pagkakangiti niya kaya agad akong nagiwas ng tingin.

"Aalis na ako, may pasok pa ako. Isa pa, hindi alam nila Kristel na..nandito ako." Sabi ko bago umupo sa counter. Muli kong ibinalik ang paningin sa kaniya na ngayon ay naghahanda na ng plato sa harapan ko hanggang sa tuluyan na niyang mailagay ang mga pagkaing kaniyang niluto.

Gusto ko pang maglaway dahil sa ganda ng katawan niyang nakabalandra sa harapan ko ngayon. Maganda na ang katawan niya noon ngunit mas nakakapanglaway ito ngayon. Ang mga biceps niyang mas nadepina at ang panga niyang nakakabaliw. Ngunit mas agaw pansin pa rin para sa 'kin ang buhok niyang itim at bagsak na bagsak bagay na mas bumagay sa kaniya. Well, bakit nga ba ako magtataka, siguro ay nasa lahi na nila ang pagiging maganda at gwapo, swerte lang ni Theo dahil nabiyayaan siya ng sobra sobra.

Umupo siya sa harapan ko. "Then I'll take you to work." Aniya sabay mwestra na kumain na ako. "But before that you should go home first."

Nagsimula na akong kumain habang ang paningin ko ay nasa kanya pa rin. Ngumunguya siyang tumingin sa 'kin na animo'y may gusto pang sabihin.

"I-I want to see my son, Brielle."

Natigilan ako sa sinabi niya habang nakatingin sa kaseryosohan ng kaniyang mukha. Binitawan ko ang hawak kong kutsara at tinidor.

Sapat naman na siguro na nakapagusap kami, hindi ba? Sa napakinggan kong explanation niya nararapat na sigurong makita niya ang anak niya. Ngayon ko lang napagtanto na masyado na akong naging makasarili, tama na 'yong itinago ko si Thaddeus sa kaniya ng mahigit na anim na taon.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now