Chapter 10

72.6K 1.8K 90
                                    

Chantria's POV

"I'm the boss, Chantria Brielle." Seryosong usal niya. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maiinis dahil sa kasinungalingang sinasabi niya.

"'Wag mo nga akong lokohin," Asik ko sa kaniya. "Sir Theo, nirerespeto ko po kayo dahil kaibigan kayo ni Sir Lawrence, pero sana naman po 'wag na dumating sa punto na magagawa niyong gumawa ng kasinungalingan."

Bakas ang hindi makapaniwalang tingin niya sa 'kin pero hindi ko na 'yon pinansin pa.

"What the hell?" Aniya sabay singhap. Napatingin pa ako sa necktie niyang mabilis niyang pinaluwag na animo'y na-iistress pa dahil sa 'kin. "I said, drop the fucking po, Brielle."

Hindi ko na alam kung akong gagawin ko sa kaniya kaya mabilis na akong tumalikod para iwan siya, kahit naririnig ko pa ang pagtawag niya sa 'kin ay pinili kong magbingi-bingihan hanggang sa makalapit kila Luna at Celestia.

"Oh? Bakit nandito ka na? Parang narinig kong tinatawag ka pa ni Sir Theo, ah?" Lingon sa 'kin ni Celestia. Nagpanggap naman akong nagtataka kunwari sabay lingon.

Sakto namang tumama ang paningin ko kay Sir Theo na naglalakad na ulit papasok sa loob ng mansyon, kahit mula rito sa kinatatayuan ko ay bakas ang nagtatangis niyang bagang indikasyon na galit talaga siya.

"Talaga? Parang hindi naman." Bahagya akong tumawa sabay upo na para makapag-trabaho na rin.

Ramdam ko ang init sa buong katawan ko, dala na rin ng tensyon dahil sa nangyari sa pagitan namin ni Sir Theo na pilit ko nang kinalilimutan dahil hindi ako papayag na maging isa sa mga babae niya, at higit sa lahat natatakot ako sa ibabato nilang salita laban sa 'kin sa oras na malaman nilang lahat ang ginawa ko.

Lumipas ang ilang araw ay mas sineryoso ko ang pag-iwas kay Sir Theo na halos umabot ng isang linggo, mabuti nga at hindi ko na siya nakita pa nang sumapit ang sumunod na linggo.

"Brie--"

"May inuutos pa po kasi sa 'kin si Aling Rosa kaya kay Luna niyo na lang sabihin." Mabilis kong putol sa sasabihin niya.

"Let's talk--"

Tipid akong ngumiti sa kaniya. "Ah! May gagawin pa po pala ako sa mga kwarto." Agad na akong tumakbo papunta sa second floor galing sa sala ng lapitan nanaman niya ako.

Tiis lang, Chantria.

Ilan 'yan sa mga naging ganap noong isang linggo. Lahat ng puwedeng ipam-palusot ay sinabi ko na para lang maiwasan siya, hindi naman ako nabigo dahil alam kong dadating din sa punto na magsasawa si Sir Theo kakasunod sa 'kin, bagay na nangyari na nga.

"Bilisan niyo na sa pag-aayos dahil dadating ang mga bisita mamaya, siguraduhin niyong nasa loob lang kayo ng kwarto mamaya at 'wag makihalubilo sa mga bisita, maaasahan ko ba 'yon?" Bilin sa 'min ni Aling Rosa habang nakaharap kami sa kaniya.

"Opo." Sabay-sabay naming sagot nang tuluyang matapos. Nakahanda na sa mahabang lamesa ang iba't-ibang klase ng mga alak na pinahahanda ni Sir Lawrence, may mga nakalagay rin na mga chips at kung ano-ano pa.

"Umakyat na kayo, gamitin niyo na rin ang araw na 'to para makapag-pahinga." Ani Aling Rosa kaya mabilis kaming napangiti dahil sa sinabi niya.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now