Chapter 24

67.2K 1.7K 188
                                    

Chantria's POV

Natapos ang buong hapon na mabigat ang ulo ko, ramdam ko ang stress dahil sa dami ng pina-assignment sa 'min, hindi ako aware na marami pa lang terror sa University na 'to.

"Grabe! May thesis agad kaloka! Huhu! Binabawi ko na pala na kaya kong patumbahin lahat ng terror Prof na haharang sa kinabukasan ko dahil maaga ko yatang makikita si Lord kaysa sa magiging future bebe ko!" Ani Luna habang papalabas kami sa classroom, magkakaklase kasi kaming tatlo sa para sa huling subject namin ngayong araw.

"Puro ka kasi yabang." Sagot naman ni Celestia kaya nagsimula nanaman silang dalawa sa pagbabardagulan.

Napabuntong hininga ako dahil drain na drain ang energy na natitira sa buong katawan ko ngunit tumaas ang dalawang kilay ko nang makita si Kairo na naglalakad palapit sa 'min.

"Si Kairo oh!" Turo ni Luna na napasin din ang presensya ni Kairo.

"Alam namin, 'di kami bulag."

"Gaga! Sorry ah pero nabulag ako dahil sa kagwapuhan niya! Ihh!" Napailing na lang ako dahil sa patiling sinabi ni Luna.

Napatikhim ako nang tuluyan na namin siyang makaharap, malaki nanaman ang ngiti niya dahilan para sumilay ang isa niyang biloy sa kabilang pisngi.

"Kumusta?" Panimula niya. Muli naman kaming naglakad habang nasa tabi ko si Kairo.

Hapon na pero amoy na amoy ko pa rin ang bango niya na 'di yata natatanggal sa damit niya.

"Eto, masakit ang ulo kaya kailangan ng kisspirin mo!" Palahaw nanaman ni Luna dahilan para muntik pa kaming mapatampal ni Celestia sa sariling mukha.

Tumawa si Kairo. "Ikaw talaga Luna, haha sorry pero naka-reserve na ang kisspirin ko sa iba." Sagot pa ni Kairo dahilan para mapalingon kami sa kaniya, nangunot pa ang noo ko dahil sa paningin niyang nakatutok sa 'kin kaya mabilis ko 'yong iniwasan sabay tikhim ng bahagya.

"Ouch! Ang puso ko nadurog na!" Kunwaring umiiyak na reklamo ni Luna sabay padabog na nagmartya palayo sa 'min.

"Luna!" Tawag ni Celestial bago kami lingunin. "Sundan ko na muna 'tong baliw nating kaibigan." Sabi pa sa 'kin ni Celestia kaya tatawa-tawa akong tumango.

Talagang baliw.

"Ang taas talaga ng energy ni Luna kahit kailan." Dinig kong sabi ni Kairo dahilan para mapasulyap ako saglit sa kaniya.

Natawa ako. "Hmm, 'di nauubusan eh."

Matapos non ay napuno ng katahimikan sa pagitan naming dalawa, marahan lang kaming naglalakad palabas ng University. Gusto mang gumawa ng topic para maiwasan ang ilangan ay walang pumapasok sa isip ko.

"Do you have some time to have a coffee with me?" Usal niya saktong pagkalabas namin.

Hinawi ko ang buhok ko. "Oo naman, kasama naman sila Luna, hindi ba?" Paninigurado ko ngunit umiwas siya ng tingin sa 'kin dahilan para matahimik ako ng bahagya.

"Chantria, I want to talk to you..just the two of us."

Nang kaming dalawa lang?

Napuno tuloy ng kung ano-anong teorya ang isip ko ngunit pilit ko 'tong binabaon sa pinaka-ilalim na parte ng utak ko sa takot na baka magmaling akala nanaman ako.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now