Chapter 14

70.6K 1.6K 114
                                    

Chantria's POV

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko, mabilis kong kinusot ang mga mata ko habang bumabangon papaupo sa kama ko.

"Are you okay now?" Mabilis akong napatingin sa harapan nang may marinig na pamilyar na boses pero ganoon na lang ang pamimilog ng dalawang mata ko nang makita si Sir Theo na nakatingin sa 'kin gamit ang namumungay niyang mga mata.

Mas lalong umawang ang bibig ko nang mapagtantong nandito ako sa kwarto niyang kulob na kulob kaya mabilis akong bumangon sa pagkakaalis sa kaniyang kama.

"S-sir Theo.." Mahinang usal ko habang inaayos ang sarili. Ramdam ko ang bahagyang pagkirot ng leeg ko kaya paniguradong nagmarka ang kamay roon ni Boyet.

Napapalunok akong tumingin kay Sir Theo na ngayon ay naglalakad na palapit sa 'kin, hindi ko naman magawang mapaatras habang nakatingin sa kaniya.

"I'm sorry..wala akong ibang nagawa.." Saad niya habang nakatingin ng diretsyo sa 'kin, pakiramdam ko napapaso ako nang maramdaman ang paghaplos niya sa pisngi ko dahilan para maramdaman ko ang pagtindig ng balahibo ko sa katawan.

"A-ayos lang.." Sagot ko sabay atras palayo sa kaniya dahilan para maiwan ang kamay niya sa ere. Ngumiti naman siya ng pilit, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng konsensya sa katawan nang dahan dahan niyang ibaba ang palad niya.

Tandang-tanda ko pa kung paano niya bigyan ng suntok si Boyet. Tandang tanda ko rin kung paano mag-alab ang dalawang mata niyang kulay asul.

Muli akong napalunok. "B-bababa na po ako..salamat Sir Theo.." Ang tanging naiusal ko dahil hindi ko talaga alam kung paano magpapasalamat sa kaniya.

Mabilis akong lumakad palabas ng kwarto niya habang kinakapa ang pisnging hinawakan niya. Gusto ko tuloy mahiya dahil sa mga inasta ko sa harapan niya gayung siya na nga ang tumulong sa 'kin.

Agad akong pumasok sa kwarto namin ni Kristel na naabutan ko pang inaayos ang sariling kama.

"Oh Chantria?" Salubong niya sa 'kin nang makita ako. Dire-diretsyo naman akong umupo sa kama kong maayos sabay hawi sa mahabang buhok. "A-anong nararamdaman mo? Ayos ka na ba? Masakit ba ang leeg mo?" Sunod-sunod niyang tanong. Kinuha niya pa ang upuan na sa harap ng study table at inilagay sa harapan ko.

"B-bakit nasa kwarto ako ni Sir Theo?" Tanong ko sa kaniya sabay kagat ng labi, hindi ko magawang sagutin ang mga tanong niya dahil mas lalo ko pang binigyan pansin ang pagtulog ko sa mismong kwarto ni Sir Theo..at sa mismong kama niya kung saan siya natutulog..

"Hindi ko rin alam, Chantria. Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya ulit kaya tumango ako bilang sagot, ramdam ko naman na nakahinga siya ng maluwag.

Inis syang pumitik sa ere. "Buti naman, naku! Kung hindi ako ang papatay sa Boyet na 'yon!" Aniya kaya mabilis akong napatingin muli sa kaniya.

"A-anong nangyari kay Boyet?"

Huminga siya ng malalim. "Ayun! Muntik pang mapatay ni Sir Theo, 'wag kang mag-alala dahil kagabi pa siya pinaalis ni Sir Theo. Tsaka pinapatanong nga pala ni Sir Lawrence kung magsasampa ka ba raw ng kaso?"

Kaso? Pero sapat na yata lahat ng tinamo niya sa kamao ni Sir Theo..

Pinilig ko ang sarili kong ulo bago umiling sa kaniya. "H-hindi na kailangan..ang mahalaga wala na siya rito."

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now