Chapter 22

64.9K 1.6K 147
                                    

Chantria's POV

"Bakit ang sikip naman yata nito sa dibdib." Buntong hininga ko habang inaayos ang hapit na hapit sa katawan kong pulang dress habang pinakatitigan ang sarili sa harap ng salamin.

Nilagyan ko rin ng kaunting make-up ang sariling mukha dahil 'di ko alam meron pa pa lang make-up sa ilalim ng dress. Habang ang buhok ko ay nanatiling nakaladlad.

Napalunok ako habang tinitingnan ang sariling katawan, manipis ang tela pero komportable naman para sa 'kin. Nagpakawala ako ng buntong hininga bago mapaupo sa kama, dahan-dahan ko namang hinawakan ang kwintas na siyang kasama sa box.

May maliit na heart pendant ang kwintas, maliit man pero maaagaw nito ang pansin ng iba dahil sa kinang nito.

"Hanggang kailan ba ako rito.." Naiinis na reklamo ko bago ihiga ang sarili sa malambot na kama. Mas malambot pa ang kama na 'to kaysa sa kama na ginagamit namin. "Ang sarap-sarap matulog dito pero bakit palagi pa rin siyang mukhang sabog.." Dagdag ko bago tumagilid ng higa.

Unti-unti kong naramdaman ang antok hanggang sa hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

"Honey..wake up." Marahan kong minulat ang dalawang mata ko nang may maramdaman akong humalik sa pisngi ko, ganoon na lang ang pagbangon ko sa kama nang makita ang mukha ni Sir Theo na ngayon ay titig na titig pa sa 'kin.

"Are you hungry?" Tanong niya pa gamit ang namumungay na mata, napalunok ako dahil sa kakaibang kislap ng mga mata niya habang nakatitig sa 'kin.

Umiling ako ng bahagya. "H-hindi--anong oras na ba?" Sagot ko bago bahagyang hawiin ang braso niyang naka-corner sa 'kin. Tumayo ako sabay ayos ng dress na bahagyang nagusot.

Kainis, bakit ko ba kasi hinahayaan si Sir Theo na lapit-lapitan ako ng ganito. Tawag pa nang tawag ng honey e wala nga kaming label.

Nakita ko ang pagbaling niya ng tingin sa mamahalin niyang relo bago sumagot sa 'kin. "Mm, it's already 6:15 pm. By the way, you looked good." Puri niya pa na nagpainit sa pisngi ko dahil sa kakaibang paninitig niya sa katawan ko.

Tumikhim ako para pawiin ang pagbabara ng lalamunan ko. "P-puwede na ba akong bumaba? Baka..hinahanap na ako ni Aling Rosa.."

Matunog siyang ngumisi, parang kay dali lang sa kaniya na hatakin ang kamay ko ngunit ganoon na lang ang gulat ko nang maabutan ko nanaman ang sariling nakaupo sa dalawang hita niya.

"S-sir Theo.." Kinakabahan ko pang naiusal ngunit mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakapulupot sa bewang ko.

"I'm tired, Brielle.." Bulong niya gamit ang namamaos na boses, ganoon na lang ang pag-estatawa ko habang nakaupo sa hita niya nang maramdaman ko ang paghilig ng kaniyang ulo sa balikat ko. "..can I rest here on your shoulder? please say yes..cause I'm really tired, honey.." Bulong niyang muli. Sunod sunod ang naging paglunok ko dahil hindi ko malaman kung ano ang nararapat kong gawin.

Umawang ang bibig ko ngunit animo'y wala sa sarili kong inangat ang braso ko para iakbay sa kaniya, dahan-dahan ko namang hinaplos ang buhok niya dahilan para lalo kong maramdaman ang paghigpit ng yakap niya sa 'kin.

"Oh fuck. That feels so good." Ungol niya pa habang lalong inihihilig ang kaniyang ulo sa leeg ko. "..hmm your fragrant smell that I'm really addicted to.." Humalakhak siya ng bahagya.

Bakit ba sa tuwing ganiyan ang sinasabi niya pakiramdam ko may kinalaman 'yon sa nangyari sa 'ming dalawa sa loob ng kotse niya.

Oh ako lang talaga 'tong malikot ang utak?

He's The Boss (Maid Series #1) Onde histórias criam vida. Descubra agora