Chapter 19

65K 1.7K 218
                                    

Chantria's POV

"Are you okay? You look pale." Ani Kairo nang makarating na kaming dalawa rito sa mall, nasa loob na rin kami ng Starbucks at kasalukuyang umiinom ng kape.

Ngumiti ako ng bahagya. "Ayos lang ako, napagod lang ako. Parang ang dami kasing nangyari ngayong araw."

"Mmm, like what?" Pang-iintriga niya bago sumipsip sa straw ng inorder niyang kape.

Sa sobrang dami hindi ko na ma-isa isa.

"Wala," Tumawa ako sabay wasiwas ng bahagya sa kamay. "'Wag na lang nating pag-usapan lalo lang akong na-sstress." Sagot ko dahilan para matawa rin siya ng bahagya.

Ilang minuto pa ang lumipas bago kami tuluyang matapos sa iniinom kaya napagpasyahan namin ni Kairo na lumabas na sa loob ng Starbucks. Kasalukuyan na kaming naglalakad lakad dito sa mall.

"Hmm, do you want to watch movie? Tutal maaga pa naman..kung may libre ka pang oras." Napalingon akong muli kay Kairo, bakas ang saya sa mga mata niya dahilan para mabilis akong mag-iwas ng tingin sa kaniya.

"O-oo ba.." Gusto ko pang mapaismid dahil sa sinagot ko dahilan para marinig ko ang bahagya niyang paghalakhak.

Mabilis naman na kaming lumakad papunta sa loob ng sinehan, kita kong dagsa ang mga tao na gustong manood ngayon, siguradong may bagong palabas.

"2 tickets, miss." Dinig kong sabi ni Kairo. Nang makuha ang ticket ay nagawa ring bumili ni kairo ng popcorn at dalawang soft drinks.

"Mukhang maganda 'yung movie." Sabi ni Kairo nang tuluyan na kaming makaupo. Nasa bandang hulihan kami kung saan walang masyadong tao, ani Kairo mas maganda raw kapag walang katabing ibang tao.

"Ano't naisipan mong lumabas kasama ako? Wala ka na bang ibang..puwedeng maisasama?" Tanong ko sa paraang pormal habang nagsisimula nang ngumuya ng popcorn.

"Honestly wala talaga, 'yung sister ko masyadong busy sa school works, and besides gusto kitang makasama." Ngisi niya sabay lingon sa 'kin dahilan para mapalunok ako.

Hindi pa rin ako sanay sa pakikitungo niya sa 'kin, matagal-tagal na rin bago ko narinig mula sa isang lalaki ang mga salitang 'yon, at natatakot ako na baka hindi ko nanaman maprotektahan ang puso ko sa huli.

I mean, gwapo si Kairo, mayaman at mabait. Kahit hindi mo rin sabihin gentleman siya at magalang bagay na minsan lang makita sa isang lalaki. Kung siguro'y normal lang ang buhay na meron ako malamang magagawa ko siyang gustuhin, pero alam kong galing sa mayaman at kilalang pamilya si Kairo, ibig sabihin lang non, sa oras na may ipakilala si Kairo sa pamilya niyang gaya ko, paniguradong hindi nila magugustuhan 'yon.

"Chantria?"

Natauhan ako dahil sa tinig ni kairo na umalingaw-ngaw sa tenga ko kaya mabilis akong napalingon sa kaniya habang bahagya pang nakaawang ang bibig.

"H-ha?"

Tumawa siya. "Nevermind, ang lalim naman yata ng iniisip mo, nagseselos ako." Pabulong na niyang sinabi ang huli pero malinaw sa pandinig ko 'yon. Napakurap ako ng ilang beses.

N-nagseselos?

Hindi na siya nagsalita kaya pareho na lang naming itinuon ang atensyon sa pinapanood.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now