Chapter 30

64.6K 1.5K 199
                                    

Chantria's POV

Kakasabi ko lang sa sarili ko na hinding-hindi na ako babalik sa lugar kung saan lubos akong nasaktan. Pero ito ako ngayon unti-unting naglalakad papunta sa bahay kung saan ako lumaki at nagkaroon ng awa para sa sarili.

"Chantria?!" Napahinto ako sa paglalakad nang makasalubong si Aling Ruby na may hawak pang pamaypay sa kamay. "Jusko maryosep ikaw na ba 'yan?! Ang tagal kitang hindi nakita!" Sigaw niya pa na halatang sinadya niya dahil mabilis ding nagsilapitan ang mga kumare niyang minsan na rin akong pinagtsimisan.

Gabing gabi na nagawa pang maki-pagtsismisan.

Napalunok ako. "O-opo, nagbakasyon lang.." Kinagat ko ang labi ko ngunit 'di ko pa inaasahan na hahawakan niya ang balat ko.

"Saan naman? Sabihin mo sa 'kin para makapunta rin ako roon, aba'y kay ganda ng kutis mo ah! Mas lalo ka pang..hmm gumanda." Parang labag sa loob niya pang sinabi 'yon na muntik pang nagpangiwi sa 'kin.

Sige subukan mong pumunta ron, tingnan ko lang kung 'di dumagdag ng panibagong problema ang buhay mo.

Lumayo ako sa kanila ng bahagya. "Mauna na ako Aling Ruby, pagod kasi ako kaya bukas niyo na lang po ako intrigahin." Inis kong sabi bago sila iwan doon kahit pa dinig ko ang pag-uusap nila laban sa 'kin.

Mga walang magawa sa buhay, 'di mabubuhay nang walang nasasagap na tsismis.

Mabilis kong naramdaman ang kabog ng dibdib ko nang makita ang bukana ng bahay ng tiyuhin ko. Iniisip ko pa lang ang tiyuhin ko kinikilabutan na ako, ayaw ko man umuwi rito, wala naman akong ibang mapupuntahan.

"Shit."

Nagpakawala ako nang malalim na buntong hininga nang tuluyang makarating sa tapat ng pintuan ng bahay, tumikhim pa ako ng isang beses bago dahan-dahang kumatok.

Inulit ko pa 'to ng dalawang beses.

"Saglit lang!" Tinig ni Jessa ang narinig ko. Kung mahal ko pa rin siguro si Prince malamang kanina pa ako napuno ng inis marinig lang ang boses niya.

"Sino ba 'yan--Chantria?!" Gulat niyang usal nang tuluyang mabuksan ang pinto. Ang mata niya ay lalong lumaki at ang bibig niya ay naiwan pa sa ere.

Ngumisi ako. "Kumusta?" Kaswal na tanong ko bago mabilis na lumakad papasok sa loob. Ramdam ko ang pagsunod niya sa 'kin ngunit ang mga mata ko ay busy sa paglibot sa kabuuan ng bahay. "Wala pa ring pinagbago, masikip pa rin." Sabi ko bago lingunin si Jessa na kasalukuyang pa ring gulat habang nakatingin sa 'kin.

Hindi ba talaga siya makapaniwalang nakita ako?

"K-k-k-kailan ka pa..d-dumating?" Utal-utal niyang tanong.

"Ngayon lang."

Ibinaba ko na muna ang mga bag kong dala bago lumakad papunta sa mesa at mabilis nagsalin ng tubig sa baso para inumin 'yon.

Napa-ubo siya bago muling magsalita. "S-saan ka ba galing? Sinubukan ka..naming contact-kin pero h-hindi mo naman sinasagot k-kaya nakakabigla na mag-papakita ka..sa 'min." Paputol-putol niyang sinabi kaya mabilis ko siyang hinarap.

"Jessa," Huminga ako nang malalim. "Kung ano man 'yong nangyari sa pagitan natin, kalimutan mo na 'yon dahil matagal ko nang binaon sa limot 'yon. Wala na sa 'kin kung kayo at masaya na kayo ni Prince dahil matagal na akong nakamove on." Seryosong untag ko sa kaniya.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now