Chapter 3

81.4K 2.1K 244
                                    

CHANTRIA'S POV

Natuyuan yata ako ng laway, pakiramdam ko rin nasemento ang paa ko sa sahig dahil hindi ko malaman kung ano ang dapat gawin. Hindi ko malaman kung aalis na ba ako sa harapan nila o tatanungin pa silang dalawang kung may nangyari ba sa kanilang dalawa.

E ano naman kung may nangyari sa kanilang dalawa? Labas na dapat ako ro'n, hindi ba?

"Oh Chantria? Anong ginagawa mo rito?" May bahid na ngiti pang tanong ni Bianca sa 'kin habang pasulyap-sulyap kay Sir Theo na animo'y binabasa ang mga emosyon na lalabas sa mukha ko.

Palihim akong tumikhim, napadiin din ang pagkakahawak ko sa cellphone ni Aling Rosa na siguro'y kanina pa niya hinihintay. "Ah..!" Pinakita ko sa kaniya ang cellphone ni Aling Rosa. "Pinakuha lang sa 'kin ni Aling Rosa..uh..u-una na ako?"

Ngumiti pa ako ng pilit habang humahakbang ng patagilid. Lumipat naman ang paningin ko kay Sir Theo na nagpakawala ng buntong hininga. "Sir, u-una na po ako." Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil mabilis na akong lumakad palayo sa kanila.

Nang makalayo ay bumagal naman ang paglakad ko habang pinupuno ang isip ng katanungan.

Bakit kaya sila magkasama sa kuwarto? Imposible naman na naglinis lang si Bianca sa kuwarto ni Sir Theo.. paniguradong may nangyari sa kanilang dalawa..

Kinagat ko ng bahagya ang labi ko sabay pilig sa ulo. Eh ano naman? Tsk, hindi naman yata tama na galawin ni Sir Theo si Bianca gayung hindi naman niya bahay 'to, at mas lalong kasambahay ni Sir Lawrence si Bianca..ano na lang ang iisipin ni Sir Lawrence kapag nalaman niya 'yon.

Hays, e ano naman sa 'kin? Wala naman akong pakielam kung makagalitan silang dalawa. Ay! Ewan.

Pinilig ko na lang ang ulo ko at mabilis na lumakad pababa papuntang kusina.

"Aba't ang tagal mo naman yata sa taas? Ano bang ginawa mo at naabutan ka pa yata ng siyam-siyam sa pagkuha lamang ng selpon ko?" Ani Aling Rosa nang maibigay ko sa kaniya ang cellphone niya.

Napakamot naman ako sa sentido ko. "Sorry po, nalito po kasi ako kung nasaan ang kuwarto niyo..k-kaya natagalan." Pagsisinungaling ko pa. Napatango na lang din siya bilang pagsang-ayon bago ako inimwestra paupo sa upuan para makatulong sa ginagawa nilang pagluluto. Nakita ko ring may mga naluto na silang mga pagkain na ngayon ay inaayos na sa dining table.

"Chantria, taga saan ka ba?" Maya-maya'y tanong sa 'kin ni Carla dahilan para mapatingin ako sa kaniya saglit.

Bahagya akong ngumiti. "Ah, taga Bulacan ako." Sagot ko habang ang tingin ay nasa hinihiwang kamatis.

Sana naman 'wag na silang magtanong pa.

"Ah talaga? E bakit napadpad ka rito sa Manila? Tsaka..ang ganda-ganda ng katawan at ng kutis mo, lalo na ng mukha mo kaya nakaka-pagtaka na bumagsak ka bilang kasambahay. Akala ko nga bisita ka lang ni Sir--"

Naputol ang sasabihin niya nang sumabat si Aling Rosa. "Tama na ang kwentuhan, mamaya na 'yan dahil mag-aalas dose na. Parating na ang pamilya Lorenzo." Pananaway pa niya sa amin kaya natahimik na kami. "Nasaan ba si Bianca? Kung kailan naman kailangan ng tulong tsaka pa nawala."

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now