Chapter 5

78.1K 2K 123
                                    

Chantria's POV

Pagkatapos naming manang-halian ay nagkaniya-kaniya na kaming pahinga dahil wala naman na kaming gagawin, kanina pa rin naman nakaalis ang pamilya Lorenzo. Simula no'n ay hindi ko na nakita pa ulit si Sir Theo.

"Hoy, Chantria. Anong nangyari sa inyo ni Sir Theo, ha?" Ani Kristel, kaming dalawa lang ang nandito sa kusina, at kasalukuyang nagkakape.

Humigop muna ako sa iniinom ko bago sumagot nang may pagtataka. "Anong sinasabi mo diyan?"

Pabiro niya akong hinampas sa balikat. "Nakita ko kaya kayong dalawa na nagtatawanan sa may swimming pool. Hmm, ikaw ha. Wala pa lang gusto, sus luma na 'yang dahilan na 'yan."

Tsss, 'yon pala.

"Hindi 'no! Anong nagtatawanan ka diyan. Siya lang ang tumatawa ano, hindi ko nga alam kung bakit tumatawa si Sir e wala naman akong ginagawa." Nakasimangot kong tanggi sa kaniya pero binigyan niya lang ako ng nanunuyang tingin, mabuti na nga lang at tinantanan na niya ako tungkol doon.

"Crush ko talaga 'yong anak na lalaki ni Ma'am Clara. 'Yung maputi at makapal ang kilay, napansin mo ba kanina?" Aniya dahilan para mapaisip ako.

Lahat naman sila maputi pero hindi ko masyadong natitigan ang mga mukha nila kaya mabilis akong umiling bilang sagot.

"'Di eh."

"Nukaba! Wala ka talagang interes sa lalaki 'no? Pansin ko eh. Bakit? Dala ba 'yan ng trauma or talagang ayaw mo lang talaga maki-pagrelasyon?" Pang-uusisa niya. Humigop ako sa kape ko, nagdadalawang isip ulit kung sasabihin ko ba sa kaniya ang nangyari kung bakit ako broken hearted.

"Oo, trauma. Tsaka kaka-break ko pa lang sa ex ko kaya wala na muna akong interes ngayon pagdating sa pakiki-pagrelasyon. Isa pa, kailangan kong makaipon dahil balak kong mag-kolehiyo." Tumingin ako sa kaniya na ngayon ay bahagya nang namilog ang kaniyang bibig habang tumatango-tango nang bahagya.

Nag-iwas ako ng tingin sabay buntong hininga.

"Ganoon? Nasaan ba ang parents mo?"

"Wala na."

Kung sana nga puwede hilingin na magkaroon ulit ako ng mga magulang ginawa ko na. Mahirap, mahirap ang walang gumagabay sa iyo kahit pa nasa tamang edad ka na. Hindi naging madali ang lahat sa 'kin kahit pa nakatira ako noon sa bahay ng tiyuhin ko. Kaya nga na-iinggit ako kapag nakakakita ako ng masayang pamilya, na hindi ko na yata mararanasan hanggang sa huling hininga ko.

"Sorry, hayaan mo nandito naman ako. Ilang taon ka na ba? Kung mas bata ka puwede mo 'kong maging ate." Nakaramdam ako ng tuwa sa sinabi niya.

"20."

Tumawa siya. "20? Paano ba 'yan? Magkasing edad lang pala tayo. Kung ganoon, kailan ang birthday mo?"

"June 24." Kunot ang noo kong sagot sa kaniya. Napapitik naman siya sa hangin sabay turo sa 'kin.

"Binggo! Simula ngayon ate mo na ako, tutal wala rin naman akong kapatid. Puwede kang humingi ng tulong sa 'kin kung kailangan mo."

He's The Boss (Maid Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon