Chapter 13

66.8K 1.9K 400
                                    

Chantria's POV

"I like you, Theodore."

Mabilis akong napatingin kay Bianca na ngayon ay tahimik nang nakamasid din kila Sir Theo sa di kalayuan 'di tulad ko.

Muli akong napatingin sa babaeng umamin kay Sir Theo, kilala ko siya sa mukha dahil minsan ko na rin siyang nakita, hindi ako nagkakamaling siya ang babaeng kapatid yata ni Kairo.

"Stop talking nonsense, Apple." Nabuburyo pang sagot ni Sir Theo sabay suklay sa blonde niyang buhok.

Kahit kailan wala siyang modo.

Hindi ko maintindihan kung bakit palaging ganito ang inaasta niya sa mga babaeng tapos na niyang pagsawaan, kung mawawala na ba ang interes niya sa 'kin ganito na rin niya ba ako tratuhin sa oras na mahulog ang loob ko sa kaniya?

Napahigpit ang hawak ko sa plastic na dapat sana ay kanina ko pa naitapon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganito ang mga inaasta ko, masyado na akong naiinis sa sarili ko.

Suminghap ang babae. "B-but I like you! Y-you already forgot that we had sex last week?! Oh, God!" Napasapo sa mukha ang babaeng kausap, nagsisimula na rin akong makaramdam ng pagkamuhi sa lalaking animo'y pinaglalaruan kaming tatlo.

"Apple! Please! I was drunk that night! You seduced me!" Sigaw ni Sir Theo.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang unti unting pangi-ngilid ng luha sa mata ng babae.

"Pero bumigay ka!"

"Yes! Because I was drunk that time!" Ulit ni Sir Theo sa kaninang isinigaw.

Napalunok ako nang makitang humagulgol sa harapan ni Sir Theo ang babae, ramdam ko ang pang-gigigil niya sa kaharap na animo'y gustong sampalin para magising sa kahibangan.

Muli akong bumaling kay Bianca, hindi na ako nagtaka pa nang makitang lumuluha na siya sa kinatatayuan niya. Napasinghap ako at mabilis na lumakad palabas para gawin ang utos ni Aling Rosa.

"Kung ano man ang nangyari sa pagitan namin ni Sir Theo, dapat na 'yong kalimutan.." Bulong ko sa sarili. Nang maitapon ang basura ay mabilis na akong lumakad papasok, hindi ko na nagawa pang lumingon doon.

"Ang tagal mo naman yata 'te? Tapos na kami kumain." Salubong sa 'kin ni Carla. Nag-iwas ako ng tingin at pilit na ngumiti.

"Ako na lang ang maghuhugas ng pinagkainan niyo, umakyat na kayo." Sabi ko sa kaniya.

"O sige, salamat ah? Pagod na rin ako eh. Bukas na lang Chantria." Ngiti niya na mabilis kong ginantihan. Nang mawala siya sa paningin ko ay siya namang paglaho ng pilit na ngiti sa labi ko kaya minabuti ko na lang tapusin ang pagkain ko na nasa plato ko pa rin.

Ako na lang ang mag-isang kumakain sa tahimik na kusina pero ang isip ko ay masyadong lumilipad sa kung saan saan.

Malabo ngang may gusto siya sa 'kin. Malaki ang posibilidad na kaya nagkakaganon sa 'kin si Sir Theo ay dahil ako ang unang nagkamali. Hinalikan ko siya, kaya siguro inisip niyang may interes ako sa kaniya gayung wala naman talaga.

Sabagay..sino nga ba naman ang magkakagusto sa isang ulilang gaya ko? At isa pa masyado akong bata para sa edad ni Sir Theo.

Nang matapos kumain ay agad ko nang inipon ang mga plato na nakakalat sa lamesa na nandito sa kusina, dito kasi kami kumakain hindi sa main dining table.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now