Chapter 42

67.7K 1.7K 315
                                    

Chantria's POV

Isang linggo ang lumipas nang hindi ko na nakita si Theo. Nagpapasalamat ako dahil doon pero hindi ko maintindihan kung bakit may nararamdaman akong kaunting kirot sa pinakailalim ng puso ko na pilit kong binabaon sa limot.

Hanggat maaga pa, kailangan ko nang tapusin. Wala rin namang dahilan para hayaan kong kitain niya ang anak ko, sanay na kaming lahat na wala siya sa tabi naming dalawa ni Thaddeus.

Pinilig ko ang sariling ulo para kalimutan ang iniisip.

"Do you want to join us later?" Napalingon ako kay Mr. Romero na ngayon ay naka-dekwatrong nakaupo sa kaniyang swivel chair habang seryosong nakatingin sa 'kin.

"Sir?"

Ngumisi siya. "Sumama ka mamaya sa 'kin, may pupuntahan akong dinner." Aniya. Tanging pagtango na lang ang isinagot ko sa kaniya.

Buong maghapon ay tanging sa trabaho ko lang itinuon ang buong atensyon ko. Panay ang sunod ko kay Mr. Romero dahil sa sunod-sunod niyang meeting, hindi ko akalaing mahirap pala talaga ang ganitong trabaho ngunit nakasanayan ko na rin naman na sa bawat araw na lumipas.

"Ready your self, Ms. Garcia. We'll be there around 5:25 pm."

Tumikhim ako para kunin ang atensyon niya. "S-saan po ba tayo pupunta? Meeting?" Tanong ko, saglit niya akong binalingan ng tingin bago ayusin ang necktie niya kaya nang makita 'yon ay mabilis akong lumapit sa kaniya at agawin 'yon.

Kaharap ko siya habang inaayos ang necktie niya.

"Yes, you will come?"

Tumingin ako sa mata niya na ngayon ay nakatingin na rin sa 'kin. Bago ako tumango ay tinapos ko na muna ang pagaayos sa necktie niya.

"Of course, Sir. That is part of my job." Sagot ko sabay atras palayo sa kaniya. Nakita ko ang pagngisi niya sa 'kin.

Kinuha niya ang susi ng kotse sa table niya. "Then, let's go. Mas mabuti na ang maaga kaysa ang mahuli." Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay agad na rin akong lumakad para sumunod sa kaniya.

Nasa likod lang niya ako hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa pinakadulo ng parking lot kung saan ang kotse niya lang ang nakaparada doon. Pinagbuksan pa muna niya ako bago rin siya pumasok.

Sa kalagitnaan ng byahe ay kinuha ko na muna ang phone ko na nasa loob ng bag. Sinendan ko si Kristel na ng mensahe na naglalaman na malelate ako ng uwi, bago muling ibaling 'to sa loob ng bag.

"Are you related to..Mr Grayson?" Agad akong napalingon dahil sa tinanong ni Mr. Romero na ngayon ay pasulyap-sulyap sa 'kin.

Napalunok ako. "O-of course not, Sir. I-I didn't know him..well." Bitin kong sagot sa kaniya dahilan para umangat ng bahagya ang kaniyang nguso sabay tango.

Wala akong ideya kung bakit niya naitanong sa 'kin 'yon, ngunit mabuti na lang hindi na siya nagsalita at tumutok na lang sa pagmamaneho kaya ilang saglit pa ay nakarating na kami ng tuluyan sa texas steakhouse.

Pagkapasok pa lang alam mo na ginawa ang restaurant na 'yon para sa mayayaman. Agaw pansin din ang malaking chandelier na nakasabit sa itaas, sa harapan ay hagdan paakyat sa second floor habang sa magkabilang gilid nakakalat ang mga upuan at lamesa.

"Here Mr. Romero!" Napalingon kami sa sumigaw non, agad nangibabaw ang halakhak ni Mr. Romero sabay lakad papunta sa mahabang mesa kung saan nakapwesto ang mga business partners niya.

Muntik pa akong masamid nang makita si Theo na seryosong nakatingin sa wine glass niya, habang nasa tabi naman niya ang babaeng kasalukuyang nakatingin sa 'kin habang nakatagilid ng bahagya ang kaniyang ulo.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now