Chapter 37

59.3K 1.5K 207
                                    

Chantria's POV

Nangi-nginig ang katawan ko habang nasa loob na kami ulit ng kotse. Hindi matigil ang pagluha ko habang inaalala kung paano mangusap ang kaniyang mata na 'wag ko siyang iwan.

Kasalukuyan akong nakatingin sa phone kong nasa hita ko, kanina ko pa tinitingnan ang sunod-sunod na mensahe sa 'kin ni Theo na umabot na yata ng isang daan, panay rin ang tawag niya ngunit hindi ko man lang ito ginalaw.

"Chantria, tama na..baka makasama pa sa bata kung i-iiyak ka nang iiyak." Pagpapatahan sa 'kin ni Celestia ngunit hindi ako nakinig.

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko na akala ko ay ubos na.

Chantria brielle! Don't leave me please!

I'm begging you honey, don't..

Mariin akong napapikit bago tingnan si Kairo na seryosong nagmamaneho. Ngayon alam na niya na buntis ako, ano kaya ang nasa isip niya ngayon?

Kinagat ko ng bahagya ang labi ko. "K-kairo..puwede bang ihatid mo na kami sa mansyon?" Lumingon siya sa 'kin saglit bago tumango sabay bilis sa pagmamaneho.

Hindi ko na kaya pang makita si Theo, sobra akong nasasaktan kapag nakikita ko siya. Akala ko may tyansa pang magbago siya pero akala ko lang pala 'yon.

Maya-maya pa ay huminto na ang kotse niya sa tapat ng mansyon. Mabilis din akong bumaba, akma na sana akong maglalakad papasok ngunit agad din akong napahinto nang maramdaman nanaman ang pagbabadya ng sikmura.

"Anong problema?" Tanong sa 'kin ni Luna, ngunit bago pa ako makasagot ay agad na akong tumakbo papunta sa gilid at doon dumuwal nang dumuwal.

"Shit naman!"

Pakiramdam ko lahat ng lamang loob ko ay naisuka ko na. Halos mapaiyak na ako habang patuloy pa rin sa pagduduwal, naramdaman ko rin ang presensya ni Kairo sa gilid ko habang tinatapik ng bahagya ang likuran ko.

Hindi ko na kaya..

Ilang segundo pa ang lumipas ay tumigil na rin ang pagsumpong ng sikmura ko. Nakita ko ang panyong nilahad sa 'kin ni Kairo ngunit kulang ang lakas ko para tanggapin 'yon. Lahat na yata ng natitirang lakas ko naibuhos ko na sa pagduduwal.

Nang hindi ko tinanggap 'yon ay inangat ni Kairo ang baba ko para iharap sa kaniya. Saglit pang nagtama ang paningin naming dalawa hanggang sa bumaba ang paningin niya sa labi ko bago 'yon punasan gamit ang panyo niya.

"Ano nang balak mo ngayon? Anytime dadating na ulit si Uncle." Aniya nang matapos sa pagpunas sa bibig ko. Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya.

Ang tanging tumatakbo lang sa isip ko ay ang lumayo, 'yong malayong malayo kay Theo. Gustong kong hindi na niya ako makikita pa, at ang magiging anak naming dalawa.

"L-lalayo ako.."

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras dahil mabilis na akong lumakad papasok sa loob. Natatakot ako na baka kapag makita ko nanaman siya, mabilis akong bumigay pero alam kong hindi na 'yon mangyayari pa dahil buo na ang loob kong layuan siya.

"Lalayo k-ka, Chan? Pero saan ka--" Hindi na natapos ni Luna ang dapat na sasabihin niya dahil saktong pagpasok namin sa loob ng mansyon ay naabutan naming magkaharap na si Amil at Kristel na bakas ang galit sa dalawang mata.

Napahinto kami nila Luna habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Ano nanaman ang nangyayari?

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now