Chapter 40

63.5K 1.4K 161
                                    

Chantria's POV

Sa loob ng anim na taon, hindi naging madali at maganda ang pinagdaanan ko. Akala ko nga kapag umalis na ako sa puder ng tiyuhin ko, gaganda na ang takbo ng buhay ko ngunit nagkamali ako.

"Bitawan mo ako."

Walang emosyon akong nakatingin kay Theo na ngayon ay nakatingin din sa 'kin gamit ang walang buhay niyang mata. Bahagya akong nakahinga nang maluwag nang bitawan niya ang braso kong hinawakan niya.

Tumikhim siya. "I'm sorry."

Ang bigat na naramdaman ko anim na taon na ang lumipas ay muling nanambalik sa dibdib ko. Bawat pagkurap ng kaniyang mata ay ang pagdagdag ng takot sa dibdib ko.

"How are you? I didn't know that--"

"Wala akong panahon makipagkamustahan sa'yo." Putol ko sa sasabihin niya dahilan para matunog siyang huminga ng malalim. "Mauna na ako." Mabilis na akong lumakad palayo sa kaniya.

Saktong pagpasok hanggang sa sumara ang pinto ng elevator ay agad akong napasapo sa dibdib ko. Halos mapasandal ako at mapahawak sa railings na nandito sa loob dahil sa panghihina ng dalawang tuhod.

Akala ko hindi ko na siya makikita pa, akala ko hindi ko siya ulit makakausap pa!

Pinakalma ko na muna ang sarili ko bago kunin ang phone sa bag. Mabilis kong dinial si Kristel, makailang ring bago niya sagutin 'yon.

"Kristel? Nandiyan p-pa?"

Pumikit ako bago muling magpakawala ng malalim na buntong hininga. Umayos na ako ng tayo ng makakalma kahit papaano ngunit ramdam ko pa rin ang pagwawala ng sistema ko. Pakiramdam ko gusto ko pang kompirmahin kung siya ba talaga 'yong nakita ko o namamalikmata lang ba ako!

["Hindi ko alam, pero nandito na kami ni Thaddeus sa bahay. Bwesit paano niya nalaman na nandoon kami? O baka matagal na niyang alam na nandito tayo, Chan?"]

Natigilan ako sa sinabi niya. May nagsasabi sa 'kin na posible ang bagay na 'yon ngunit pilit ko 'yong nilalaban. Mayaman sila, kaya paniguradong marami silang galamay para mahanap ang gusto nilang mahanap. Pero anim na taon na ang lumipas kaya nakakapagtaka na ngayon lang sila nagsulputan.

["Chantria? Nandiyan ka pa ba?"] Mabilis akong natauhan dahil sa boses ni Kristel, sakto ring bumukas na ang elevator kaya agad na akong lumakad palabas.

Tumikhim ako. "O-oo, paalis na ako sa company. Kristel, 'wag mong ilalayo si Thad sa'yo, hintayin niyo ako."

Narinig ko ang pagsang-ayon niya kaya mabilis ko nang pinatay ang linya. Halos tumakbo na ako palabas ng company para lang makahanap agad ng masasakyan pauwi.

Mabuti na lang at nakapara ako ng tricycle. Pagkapasok pa lang ay muli nanamang naglayag ang utak ko. Iniisip ko kung lalayo na ba ulit kami o mananatili pa rin dito gayung nandito sila Theo. Natatakot ako na baka malaman niyang may anak siya sa 'kin. Natatakot ako na baka kapag nalaman niya, sa bibig niya mismo mang-gagaling ang pag-tanggi na hindi niya anak si Thaddeus.

Iniisip ko pa lang 'yon, nasasaktan na ako.

Ilang minuto ang nagdaan ay tuluyan na akong nakarating sa bahay. Mabilis akong tumakbo papasok sa loob ng apartment.

"Chan!" Tawag sa 'kin ni Kristel.

Naabutan kong nakaupo sila Luna, Celestia at Kairo sa sofa ganoon din si Kristel na ngayon ay nakatingin na sa 'kin.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now