Chapter 2

89.7K 2.1K 104
                                    

CHANTRIA'S POV

Lumipas ang dalawang araw, naging maganda ang pakikitungo nila sa 'kin dito kahit pa bago pa lang ako. Mababait ang mga kapwa ko kasambahay, lalo na si Aling Rosa na siyang akala ko'y masungit dahil sa una naming pagkikita.

Itinali ko ang kulay itim pero kulot kong buhok bago ayusin ang suot kong uniporme. Kulay maroon ang blouse na suot ko, habang kulay puti naman ang pangbaba na medyo hapit sa 'kin dahilan para makaramdam ako ng hiya dahil sa tambok ng pwetan ko pero ipinangsawalang bahala ko na lamang 'yon.

Pwetan ko na lang ba ang pagtutuunan nila ng pansin, tss.

"Chantria! Ako na ang maglilinis sa kuwarto ni Sir Theo, ha?" Anang kasamahan ko na si Bianca sa kalagitnaan ng trabaho, tumango na lang din ako bilang pagsang-ayon habang nagpupunas ng mga plato na siyang hinugasan ni Carla.

"Sige lang." Tiningnan ko pa ang babaeng halos masubsob na sa pagmamadali papunta sa kuwarto ni Sir Theo.

Wala naman na akong ibang problema, pero sadyang naiilang at natatakot ako sa presensya ni Sir Theo, 'yong blonde guy na matangkad. Ay! Ewan ko ba, nininerbyos ako sa tuwing tumatama ang kulay asul niyang mata sa 'kin.

"Ako na diyan Chantria, oras na para diligan ang mga halaman sa hardin." Napatingin naman ako kay Aling Rosa nang kuhanin niya sa kamay ko ang pamunas sa mga plato.

Tumayo ako at tumango bilang pagsang-ayon. "Sige ho."

Tiningnan niya pa ako ng isang beses, 'yung tingin na palagi kong kini-kwestyon dahil sa paraan niya ng pagtingin, para bang hinuhusgahan niya ang buong pagkatao ko.

Napayuko ako bago lumakad papalabas ng bahay, madadaanan ko pa muna ang sala bago makarating sa double doors papalabas ng bahay.

Hindi ko pa mapigilang pagmasdan ang kabuuan ng bahay dahil sa dami ng painting na halatang milyones ang presyo. Napaismid pa ako dahil saktong napatingin ako sa picture frame nila Sir Lawrence at Sir Theo na animo'y nakatingin pa sa akin nang diretsyo.

Ngumiwi ako. "Ang gaspang niya talaga makatingin kahit sa picture." Bulong ko habang nakatayo na sa harap ng maliit na picture frame na nakapatong sa maliit na cabinet dito sa sala, ang paningin ay na ka'y Sir Theo na siyang kaakbay ni Sir Lawrence na ngiting-ngiti sa camera.

"Never ko pa siyang nakitang ngumiti ng totoo." Halos mapatalon pa ako sa gulat nang may biglang nagsalita sa tabi ko.

Jusko, aatakihin yata ako nang maaga.

"G-good morning po, Sir." Agad kong bati kay Sir Lawrence na nakatayo na sa gilid ko habang may hawak ng tasa ng kape, may ngiti siya sa labi habang ang paningin niya ay nasa picture frame na pinagmamasdan ko kanina. "S-sorry po, hindi ko lang mapigilang..tingnan.." Sambit ko agad sa takot na baka mapagalitan.

Ngumiti naman siya sa 'kin bago sumimsim sa kape niya. "It's fine." Huminga siya nang malalim bago muling ibaling ang tingin sa picture na kanina ko pa tiningnan. "Theodore is a womanizer, but I believe that he's a good guy."

Nangunot naman agad ang noo ko sa sinabi niya.

May ganoon ba?

Bago niya pa maituloy ang sasabihin niya ay awtomatiko akong naestatwa nang may marinig na baritonong boses na nagsalita mula sa likuran ko.

"Where's Celestia?" Tanong ni Sir Theo na siyang nagpalunok sa akin. Mariin naman akong napapikit at mabilis na lumakad palayo sa puwesto nila.

Kahit nagmukhang bastos ay hindi ko na 'yon ininda pa dahil hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ganoon ang nagiging reaksyon at galaw ko sa tuwing malapit ako kay Sir Theo.

He's The Boss (Maid Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon