Chapter 12

70.7K 1.7K 150
                                    

Chantria's POV

Pagkalipas ng ilang araw, patuloy sa pagpunta sa mansyon si Kairo. Gustuhin ko man siyang kwestyunin, hindi ko magawa dahil unti-unti kong nararamdaman na gumagaan na rin naman ang pakiramdam ko kay Kairo.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong sa 'kin ni Kairo isang araw nang bumisita nanaman siya para makausap ako. Kasalukuyan kaming nandito sa backyard dahil mas gusto raw niya rito sa kadahilanang tahimik at mahangin.

"20 na ako Kairo, ikaw ba?"

Tumawa siya sabay ngiti. "Nakakatuwang malaman na pareho lang pala tayo ng age, 20 din ako Chantria."

"T-talaga? Akala ko pa naman mas matanda ka pa kaysa sa 'kin." Natatawang sabi ko sa kaniya dahilan para matawa rin siya ng bahagya.

"Ganoon din ang nasa isip ko, but I'm really glad na ka-edad lang pala kita." Sagot niya. "By the way, pumapasok ka ba?"

Natigilan ako dahil sa tanong niya, ngumiti ako ng pilit bago sumagot.

"Hindi pa, pero mag-eenroll na ako bukas sa university na papasukan ko kung saan makakasama ko rin sila Luna at Celestia. Balak ko kasing tapusin ang college." Sagot ko na nagpalaki ng bahagya sa singkit niyang mga mata.

Mas lalo siyang humarap sa 'kin. "Really? S-saang University ka naman papasok?"

"Sa St. Christian University, mas mababa lang kasi ang tuition doon hindi tulad sa ibang University na matataas ang tuition, 'yon lang kasi ang kaya ko basta ba ang mahalaga makapagtapos ako." Ngiti ko sa kaniya dahilan para dahan-dahan siyang mapatango, nang makaramdam ng ilang dahil sa paninitig niya ay mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya.

"Damn."

"B-bakit?" Taka kong lingon sa kaniya dahilan para matauhan siya sabay iling.

"I-I mean, wow! Hindi ako makapaniwala na ikaw ang nagpapaaral sa sarili mo, na gusto mo talagang makapagtapos.."

Natawa ako ng bahagya. "Sino ba naman kasi ang ayaw makapagtapos, hindi ba?" Maging siya ay natawa sa sinabi ko.

"Yeah right, sa bagay mahirap talaga kapag wala kang natapos. Mahihirapan kang makahanap ng trabaho." Sagot niya.

Ilang minuto pa kaming nagkwentuhan hanggang sa may tumawag sa pangalan ko na mabilis kong nilingon.

"Bakit Luna?" Tanong ko kay luna na siyang tumawag sa 'kin. Mabilis akong tumayo para makaharap siya nang maayos.

Nakita kong bumaling muna siya sa likuran ko bago sumagot. "Pinapasabi ni Sir Theo na linisin mo raw 'yung library."

Pinapalinis niya? Bakit naman kaya? Ang alam ko hindi naman masyadong nagagamit 'yon kaya bakit niya pa ipalilinis?

Humarap ako kay kairo na nakatingin na rin sa 'kin. "Sa susunod na lang ulit tayo mag-usap Kairo, kailangan ko nang pumasok sa loob."

Mabilis siyang tumango sabay tayo. "Talaga? May..susunod pa?" Tanong niya na nagpaisip sa 'kin.

Bakit ko naman nasabi na sa susunod na lang ulit?

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now