Chapter 34

57.7K 1.2K 225
                                    

Chantria's POV

"..at sisiguraduhin ko ring malalaman nila na muntik na tayong magkakanak, Theo."

Umawang lalo ang bibig ko dahil sa sinabi niya, ramdam ko ang panghihina ng tuhod ko sa narinig at halos hindi ko na mahinuha kung ano ang nararapat na gawin sa sitwasyong ito.

"Shocks! Ano raw?!"

Nanatili ang tingin ko kay Theo na halatang nalaglag din ang panga dahil sa gulat sa sinabi ni Bianca, ilang segundo pa siyang natigilan bago magsalita.

"Wait, what?" Nalilito niyang tanong habang ang isa niyang daliri ay nakalagay ng bahagya sa kaniyang labi. Tumawa siya ng sarkastiko. "Are you insane? No! You're insane, fucking insane Bianca!" Unti-unting nangingibabaw ang galit sa kaniyang mukha.

Mas lalong nag-unahan sa pag-patak ang kaniyang luha. "Hindi ba totoo?! Bakit ba ganiyan mo na lang ako tratuhin simula nang dumating si Chantria?! Ano bang nagustuhan niyo sa kaniya na wala sa 'kin?!" Umiiyak niyang sigaw sabay palo sa dibdib ni Sir Theo na hindi man lang ininda 'yon.

Naramdaman ko ang paghawak ni Celestia sa balikat ko. "Chantria.."

Hindi ko namalayang unti-unti nang lumabo ang mga mata ko dahil sa pangi-ngilid ng aking luha. Ang paghinga ko ay unti-unting bumibilis dahil hindi ko matanggap ang mga narinig mula kay Bianca.

"Look, Bianca." Napahawak sa sentido si Sir Theo sabay atras ng bahagya mula sa kaniya. "Will you please stop being a flirt infront of us? You know that I don't have any feelings for you. Ni ang halikan nga ay hindi ko magawa sa'yo pero pilit mong pinapalabas na may nangyari sa 'tin kahit ang totoo ay wala naman talaga!" Galit niyang sinabi na siyang nagpakunot naman sa noo ko.

Anong ibig niyang sabihin?

Akmang magsasalita na sana si Bianca pero naunahan na siya ni Sir Theo. "Alam mo rin na pamilya ang turing ko sa inyo, dahil ni minsan hindi ko kayo ginalaw at hindi ako nagbigay ng motibo sa'yo, kaya ano 'tong sinasabi mo sa 'kin na nagkaroon tayo ng relasyon at muntik nang magkaroon ng anak? Saan mo nakukuha lahat ng 'yan, Bianca?"

Hindi ko na alam kung sino ang una kong paniniwalaan. Ang nagbabadya kong luha ay unti-unting umurong dahil sa narinig kay Sir Theo.

"Pakshit!" Utas ni Luna.

Kumuyom ang dalawang kamao ko. Gusto ko mang lapitan silang dalawa at itanong kung totoo ba ang lahat ng 'yon ngunit hindi ko magawa dahil naestatwa ang katawan ko sa pwesto ko.

Suminghap si Sir Theo sabay suklay sa kaniyang buhok. "Like I said earlier, I don't want to see your face from now on, Bianca. Binigyan na kita ng ilang pagkakataon, sinabihan kita na 'wag mo nang gagalawin si Brielle pero sinaway mo ang nag-iisang utos ko. I'm so disappointed, Bianca." Umiiling niyang sinabi.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now