Chapter 31

63.7K 1.5K 241
                                    

Chantria's POV

Sa buong buhay ko, hindi ko inaakala na may isang taong maghahanap at gagawin ang lahat makita lang ulit ako. Akala ko wala ng halaga ang sarili ko, pero mukhang nagbago 'yon simula nang makilala ko si Sir Theo..

Na kasalukuyang pinagkakaguluhan ng lahat.

"Kaano ano mo si Chantria?"

"Tito ka ba niya? Naku! May anak akong kasing-edad mo, ilang taon ka na ba?"

"Kay gwapong binata! Hiwalay na ako hijo baka gusto mo ng mas matanda sa'yo."

Gusto kong ilubog ang sarili ko dala ng kahihiyan dahil sa mga sinasabi nila. Kitang-kita ang inis sa mukha ni Sir Theo habang nakatingin sa mga tsismosang iniintriga siya.

"Mukha bang pamangkin ko si Chantria?!" Inis niyang singhal dahilan para mapahawak sila sa kaniya kaniyang mga dibdib habang nakaawang ang mga bibig.

Napatikhim ako at hindi na lang nagsayang ng oras na lapitan siya, mabilis ko siyang hinawakan sa braso dahilan para sa 'kin naman mapunta ang kanilang atensyon.

"Makikiraan po, gutom na kasi ang boyfriend ko kaya sana padaanin niyo na po kami." Nakangiti ngunit may halo 'yong inis bago tuluyang hatakin si Sir Theo palayo sa kanila. "Saan mo iniwan 'yong kotse mo?" Baling ko naman sa kaniya ngunit nasa daan pa rin ang paningin kahit pa ramdam na ramdam ko ang bigat ng titig niya sa 'kin.

"Diyan sa may kanto." Sagot niya. Wala naman sigurong gagalaw sa kotse niya dahil marami namang mababait sa kanto, isa pa madalang lang ang naman daanan 'yon.

Bumuntong hininga ako bago dahan dahang alisin ang kamay sa kaniyang braso. "Kumain ka na ba?" Kunot noo kong lingon sa kaniya.

Pagkatama ng paningin ko sa dalawang asul niyang mga mata ay mabilis akong nalasing ngunit mabilis ko rin 'yong nilabanan.

"Not yet, I'm so worried about you, about us Brielle. I thought I could never see you again, Oh God." Parang nabunutan pa siya ng tinik sa lalamunan nang sabihin niya 'yon, ngunit hindi ko inaasahan na mabilis niya akong yayakapin kung saan napapatingin pa sa 'min ang mga dumadaan.

"Don't you dare leave me again. Don't you dare..stay with me cause that's all I want." Dagdag niya sabay bahagyang halik sa noo ko na ikinapula ng pisngi ko.

Kahit sa gitna ng kalsada nagawa niya pa ring magdrama.

Marahan ko siyang itinulak sabay tikhim dala ng nagbabarang lalamunan.

"T-tara na nga.."

Hindi ko na siya hinintay pang sumagot dahil mabilis kong pinagsiklop ang dalawa naming kamay bago lumakad papunta muli sa bahay.

Halos limang oras ko siyang hinintay, ngunit ang mga kaibigan ko ay nanatili sa bahay at patuloy na lumalagok ng alak. Kanina lang ako nahinto dahil baka mamaya lunurin na ng alak ang katinuan ko.

"Omg bes, ang gwapo!" Dinig kong bulong ni Sheila nang tuluyan na kaming makarating, mabilis na nagsitayuan ang mga kaibigan ko habang ang paningin ay nasa kasama kong kasalukuyang nakatingin sa loob ng bahay.

"S-sir Theo.." Tawag ko sa atensyon niya kaya mabilis niya akong binalingan ng kunot noong tingin. Nag-iwas ako ng tingin bago tingnan ang mga kaibigan kong panay puri sa magandang lalaking kaharap. "Mga kaibigan ko nga pala," Usal ko bago naman ituro sa kanila si Sir Theo. "B-boss ko."

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now