Chapter 18

60K 1.4K 432
                                    

Chantria's POV

"B-bianca.." Napapanlunok kong naiusal habang nakatingin sa kaniya. Bago pa ako makapagsalita ay mabilis na dumampi ang palad niya sa pisngi ko dahilan para mamanhid ang buong pisngi ko, muntik-muntikan pa akong mapaupo dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa pisngi kong mabilis nangirot.

"Bianca!" Sigaw ni Kristel. Naramdaman ko ang pagdalo niya sa 'kin ngunit nanatili ang paningin ko sa gilid. "Bakit mo naman sinampal si Chantria?!" Galit niya pang sigaw.

B-bakit nagkaganito bigla si Bianca?

Mariin akong napapikit habang dahan-dahang hinahawakan ang pisnging sinampal niya. Naramdaman ko na lang din ang pamumuo ng luha sa mga mata ko hanggang sa tuluyan na 'tong mag-unahan sa pagtulo.

"Dahil malandi siya!" Sigaw ni Bianca. Muntik pa muli akong matumba sa sahig nang mariin niyang hawakan ang braso ko para ilayo kay Kristel.

"Bianca tumigil ka na!"

"'Wag kang mangielam!" Sigaw rin pabalik ni Bianca. "At ikaw?! Tangina ka ang kati mo!"

Mariin kong inalis ang pagkakahawak niya sa braso ko bago siya tingnan. "Nasasaktan ako, Bianca." Nagbabanta kong sinabi dahilan para matawa siya ng sarkastiko.

"Nasasaktan ka? Eh paano naman ako? Hindi mo ba alam kung gaano ako nasasaktan ngayon?! Ha?!" Sigaw niya rin, ang dalawang mata niya ay pinangiliran na rin ng luha.

"Ano ba kasing ginawa ko?! Sugod ka nang sugod wala naman sa lugar 'yang pang-aaway mo!" Hindi ko na mapigilang sigawan din siya.

Tangina ang sakit pa rin ng pisngi ko.

Hawak ko ang braso ko dahil sa pamamanhid nito, idagdag mo pa ang namamanhid ko pa ring pisngi dulot ng sampal niya.

"Wala sa lugar?" Pabulong niyang tanong, mabilis akong napalunok nang makita ang pagpatak ng luha niya sa mata. Suminghap siya. "Ano nga ang pangalan mo? Chantria Brielle?" Dagdag niya na habang tumatango-tango.

P-paano niya nalaman 'yon? Kaya ba siya nagkakaganito dahil nalaman niya ang buong pangalan ko?

"Hindi ba't ikaw yung hinanap ni Theo noong time na tumawag siya kay Lawrence?" Mariin niyang tanong sa 'kin ngunit naubusan ako ng salita.

Dumating na nga ang kinatatakutan ko.

"Hindi ba, Brielle?" Tanong niyang muli, sinadya niya pang pakadiinan ang Brielle na siyang palaging tinatawag sa 'kin ni Sir Theo tuwing kaming dalawa lang ang magkausap.

"Bianca.." Pigil pa ni Kristel ngunit hindi siya binalingan ni Bianca dahil nanatili ang mariin niyang tingin sa 'kin.

Umiling ako nang dahan-dahan. "H-hindi ko--" Bago pa ako makasagot ay muli kong naramdaman ang pagdapo ng sampal niya sa kabilang pisngi ko dahilan para tuluyan na akong bumagsak sa sahig.

Agad kong naramdaman ang pagkirot ng bukong-bukong ko dahil sa lakas ng pagkakatumba ko.

"Bianca! Tumigil ka na pakiusap!" Sigaw ni Kristel habang inaalalayan akong makatayo pero hindi ko magawa. Muling pumatak ang luha sa pisngi ko dahil sa hapdi ng nararamdaman ko.

"Diyan ka naman magaling hindi ba? Ang tumanggi?! 'Di ba ganiyan din ang ginawa mo noong tinanong kita kung magugustuhan mo si Theo pero ang sagot mo ay hindi? Tangina, Chantria pinagkatiwalaan kita! Pero isa ka rin pa lang ahas na palihim nilalandi ang gusto ko!" Sigaw niya pa.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now