Chapter 15

68.8K 1.6K 132
                                    

Chantria's POV

"Nabalitaan ko kay kuya Lawrence na may nangyari kagabi ah, ayos ka lang ba?" Natinag ako sa pag-iisip nang magsalita siya.

Kasalukuyan kaming nandito sa likod ng mansyon dahil gusto niya pa raw akong makausap. Gustuhin ko mang tumanggi ay hindi ko magawa, natatakot din ako na baka sa huli kapag sinabi ko sa kaniya na wala akong interes sa kaniya, magaya siya kay Boyet.

Nakakatrauma..

"Oo, ayos lang ako. Dumating naman si..Sir Theo." Naiilang kong sagot sa kaniya dahilan para mapangiti siya.

"Hindi ko alam na magagawa 'yon ni Uncle Theo. At mas lalong hindi ko alam na masyado pala siyang protective sa mga kasama niya rito sa bahay." Aniya na nagpaiwas sa 'kin ng tingin.

Kung alam lang niya na minsan na ring tumama ang labi ng tinatawag niyang Uncle sa 'kin.

Pinilig ko ang ulo. "Anong course ang kinuha mo?" Pang-iiba ko ng usapan sabay tungga sa juice na nasa baso ko.

"Ah, business ad. Second year." Sagot niya dahilan para mapatango ako. "Ikaw?"

"Pareho tayo, business ad din ang kinuha ko."

Namilog ng bahagya ang mata niya. "Really?! Woah, that's good. Sana maging kaklase kita kahit sa isang subject man lang."

Tanging ngiti lang ang naigawad ko sa kaniya, sakto namang pag-iwas ko ng tingin ay namataan ko si Sir Theo na ngayon ay naglalakad papunta sa table na malapit lang din sa 'min. Nakita kong nilapag niya ang dala niyang laptop sa lamesang de-semento bago tumingin ng diretsyo sa 'kin.

Ano namang ginagawa niya diyan?

Mabilis akong nag-iwas sa kaniya, nagsisimula nanaman akong makaramdam ng ilang.

"Oh? Hi Uncle!" Pasigaw na bati ni kairo kay Sir Theo ngunit hindi ko na siya binigyan pa ng tingin kaya hindi ko nakita ang naging reaksyon niya. "Ang sungit niya talaga sa 'kin this passed few days. Hindi naman siya sa 'kin ganito sa 'kin noon." Dagdag niya.

Hindi ko mapigilang mag-isip na kaya gano'n si Sir Theo kay Kairo ay dahil sa 'kin iyon.

Hibang na ako.

"Nga pala, sa susunod na linggo na ang pasukan, edi hindi ka na mag-sstay pa rito?" Tanong niya ulit dahilan para mapatingin ako sa kaniya.

Isa rin 'yan sa pinag-iisipan ko. Balak ko rin na kausapin si aling rosa at Sir Lawrence na tuwing sabado at linggo o pwede rin sa gabi na lang ako magtrabaho dahil kailangan ko non, isa pa malaki rin ang pasahod nila rito kaya sayang kung aalis ako sa mansyon na 'to.

Lalong hindi ko alam kung saan maghahanap ng bagong trabaho.

"Kapag pinayagan ako na magtrabaho rito kahit tuwing walang pasok lang." Pilit na ngiti ko sa kaniya.

"I can talk to Uncle, maybe he can approve your request." Aniya pa dahilan para mangunot ang noo ko. "Or you can stay to my penthouse if you want, you choose." Matunog siyang ngumisi dahilan para mag-iwas ako ng tingin.

Sa tuwing gagawin niya talaga ang bagay na 'yon, hindi ko alam kung bakit dumadagdag ang paghanga ko sa kaniya, idagdag mo pa ang kabaitan na binibigay niya sa 'kin.

He's The Boss (Maid Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon