Chapter 16

68.3K 1.6K 622
                                    

Chantria's POV

Ngayon na ang unang araw para sa pasukan kaya maaga akong nagising para gumayak. Ramdam ko ang ngiting hindi na halos maalis sa labi ko sa dahil sa excitement na nararamdaman.

"Uy, excited siya. Baka mamaya humanap ka lang ng gwapito roon ha." Paratang pa sa 'kin ni Kristel, nang-aasar. Hindi ko makuhang mapikon dahil sa sinabi niya dahil nangingibabaw pa rin ang excitement sa dibdib ko.

"Asa 'no."

Kinuha ko na ang maliit kong bag bago isuksok doon ang iilang gamit na dadalhin ko. Hindi pa naman siguro magsisimula agad ang klase, malakas ang pakiramdam ko na puro pagpapakilala lang ang magaganap para sa unang araw.

"Pasok na ako." Malaki ang ngisi sa labi kong sinabi kay Kristel na halatang masaya rin sa nakikita.

"Ingat, fighting!!" Aniya sabay kuyom ng kamao sa ere. Napailing na lang ako habang bahagya pang natatawa dahil sa ginawa niya bago tuluyang lumabas sa kwarto namin.

Pagkababa ay agad kong nakita sila luna at Celestia na ngayon ay hinihintay na ako. Hindi ko maiwasang makaramdam ng tuwa sa kadahilanang makakasabay ko rin sila sa pagpasok.

"Wow, college girl 'yan?" Saad ni Luna na ikinatawa naming tatlo. Sabay sabay pa kaming napalingon nang marinig ang pagtikhim ni Aling Rosa sa likod, nakita kong kasama niya rin sila Bianca at Carla na malaki na rin ang ngiti sa 'min.

"Nakakatuwang makita kayong masayang papasok sa eskwelahan. Galingan niyo, isipin niyo na maswerte kayo, lalo na dahil pinayagan kayo ng boss niyong manatili rito kahit pa tuwing walang pasok lang kayo makaka-pagtrabaho." Ngiti sa 'min ni Aling Rosa.

Sobrang swerte lalo na sa katulad kong walang matutuluyan kung hindi man pumayag si Sir Lawrence. Kaya siguro dodoblehin ko na lang ang oras ko sa pagtatrabaho tuwing walang pasok.

"Syempre naman Manang Rosa. Mauna na po kami dahil excited na talaga kami nila Chantria." Sabi ni Luna. Sabay-sabay kaming tumango sa kanila bilang paalam, tumama pa ang paningin ko kay Bianca na walang emosyong nakatingin sa 'kin pero agad ding nag-iwas sabay talikod.

Anong ginawa ko?

Hindi ko na nakita pa si Bianca hanggang sa hilahin na ako nila Luna palabas, ang isip ko ay naglalakbay patungkol sa inasta ni Bianca.

Nagpakawala ako ng buntong hininga. Hindi ko na muna dapat 'yon isipin, maganda ang araw na 'to para sa 'kin dahil ito na ang pagkakataon kong ipagpatuloy ang naudlot na pagkokolehiyo.

"Grabe! Sana magkakaklase tayo ano? Excited na talaga ako!" Natinag ako nang marinig ang palahaw ni Luna.

Suot niya ang itim na pantalon na naaayon sa sukat ng mahaba at payat niyang hita pati na rin ang biyas niya. Crop top naman ang pang-itaas niya.

Si Celestia naman ay nakasuot ng denim skirt at pulang t-shirt. Habang ako, nakasuot lang ng kulay itim na skirt at kulay pink na bandage crop top.

Ani Kristel mas makakaagaw raw ako ng pansin lalo na sa ganda ng aking katawan.

"Paniguradong magiging sikat agad si Chantria dahil sa ganda niya." Sabi ni Celestia dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Hindi ko napansin na nakahinto na pala kami, saktong papalabas ng gate.

Natawa ako. "Hindi naman.."

"Sus, pa-humble pa." Nanunuyang asar ni Luna na ikinangisi ko.

He's The Boss (Maid Series #1) Where stories live. Discover now